Bakit napakahirap maging Introvert?

Hindi ko alam kung paano mamuhay ng normal, i mean normal naman ako. Nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin, napupuntahan ko ang mga lugar na gusto kung puntahan, nakakain ko ang mga pagkain na gusto kong kainin; ngunit bakit napakahirap mamuhay sa isang mundong napakataas ng pader na nilalagay mo? Nagsimula akong maging introvert ng magtrabaho ako sa ibang bansa. Hindi dahil wala akong kaibigan at kamag-anak dito ngunit dahil kalaban mo dito ang iyong sarili. Nagsimula akong lagyan ng pader ang pagitan ng mga taong gustong pumasok sa buhay ko. Pati ang pamilya ko ay hindi naka lagpas sa pader na tanging sarili ko lamang ang nakatayo at taas-noong namumuhay nang ayon sa sariling interes.

Pamilya – tinulak ko sila palayo sa akin. Ang dating masayang kwentuhan ay nauwi sa manaka-nakang usapan at text. Ang pagpapahayag ng pagmamahal sa kanila ay siyang napakahirap. Mas nanaisin pang kausapin ang kaibigan kaysa sa kanila. Ang minsanang pagkikita dahil magkaiba ng tirahan ay naging mas madalang pa.

Kaibigan – sila ang mas tinuturing mong pamilya. Nakakatawa kang kasama sila, nasasabi mo ang mga nararamdaman mo sa kanila. Pero kunti lang sila, kunti lang na minsan sa kaunti na iyon ‘pag wala sila mag-isa ka nalang na namumuhay. Dahil para sa’yo mahirap magtiwala kung kani-kanino lang. Mahirap buksan ang sarili sa ibang tao na hindi ka nila huhusgahan. Kaya pinili mo nalang mag-isa ‘pag wala ang matalik mong kaibigan. At nakita mo silang kasama ang kaibigan nilang iba, nagseselos ka dahil para sa’yo dapat ikaw ang kasama nila.

Lalaki/Babae – sila yung mga taong gustong maging parte ng buhay mo sa aspetong pakikipag-relasyon. Pero dahil ilang ulit ka nang nasaktan at iniwanan ayaw mo na ulit pumasok sa ganoong relasyon. Natatakot kang baka mangyari ulit ang nakaraan. Baka paglaruan lang ulit ang puso mo at ang pinakamasakit sa lahat ay iwanan ka dahil sa iba. Hindi mo matanggap dahil pilit mong tinatanong sa sarili mo kung anong mali sa ‘yo. Dahil gusto mo ng perpektong relasyon, ‘yung napapanood mo na pelikula at nababasa sa mga libro. Gusto mong maging happy ending din ang buhay mo. Kaya napipilitan ka nalang na maging single at ‘bitter’. Kaya sa bawat nakikita mong mag karelasyon ay sinasabihan mong ‘maghihiwalay din kayo’. At hindi ka naniniwalang may ‘forever’. Hindi ka rin naniniwalang may matinong babae/lalaki na natitira pa sa mundo ngayon.

Dahil doon nabubuhay kang mag-isa. Kumakain, namamasyal, nanonood ng sine nang mag-isa. Ayaw mo rin sa mga matataong lugar dahil parang nararamdaman mong walang totoong tao na ngayon. Minsan nagiging masaya kang mag-isa, na wala kang inaalalang iba liban sa sarili mo. Na kapag weekends mas nanaisin mo pang maglagi sa bahay kaysa lumabas. Ang tanging kaulayaw mo ay libro o panunuod ng korean drama. Dahil sa mga korean drama sinimulan mong balangkasin ang perpektong lalaki/babae na sana kasing perpekto ng mga napapanuod mo. At dahil doon, hindi ka makakakita ng lalaking ganun kaya sa huli ‘single’ ka. Pero dumarating sa buhay mo na nagiging malungkot ka, na sana may kasama ka ngayon para tumawa, kumain, mamasyal, matulog at manuod ng sine. Nagsisimula mong maramdaman na parang may mali sa’yo dahil wala kang makitang tao na masasakyan ang bawat trip mo sa buhay. Na walang makakaintindi sa’yo, dahil ikaw ito. Na walang magmamahal sa’yo at tatanggapin ka kung ano ka. At nasasaktan ka sa ganoong realisasyon, pilit mong inaalisa pero mapapagod ka lang kaya sa huli pilit mo nalang iisipin na talagang wala nga.

Napabuga ako ng ilang ulit, dalawang linggo na buhat ng umalis ang kaibigan ko para magbakasyon sa Pinas. Siya lang kasi ang kaibigan ko dito sa ibang bansa, siya lang ang lagi kong kasama. Wala akong kaibigan sa opisina o ‘di kaya sa kapitbahay. Hindi kasi ako palakaibigan, hindi ‘approachable’ ‘ika nga. Minsan lang ako ngumiti, at kapag sa opisina hindi talaga ako ngumingiti o nagkukwentuhan sa mga kaopisina ko. Magsasalita lang ako ‘pag kinakausap ako. Para sa akin ‘pag walang silbi ang isang bagay bakit pa pag-usapan di ba? Ayokong buksan ang sarili ko sa kanila dahil ayokong maging kabilang nila. Dahil sa totoo lang ayoko sa mga taong hindi ko gusto. At lahat nga sila hindi ko gusto! Dalawang linggo na rin akong ‘di nakakatawa, ‘pag kasama ko lang kasi ang kaibigan ko saka ko naipapakita kung sino nga ba ako. Kaya isang napakalungkot na linggo ang nangyari sa akin. Kumakain akong mag-isa pero hindi naman ako nalulungkot, lumalabas akong mag-isa pero hindi ako nalulungkot. Nagbabasa ako at nanonood ng korean drama pero hindi ko maramdaman ang lungkot. Kaya ginugugol ko ang oras doon para hindi ko maramdaman ang lungkot. Ilang araw nalang at babalik na siya, at hindi na ako malulungkot. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s