sharie713.blogspot.com

sharie713.blogspot.com

Huwag mong gawin ito sa kanya. Huwag mo siyang mahalin kung hindi mo naman kayang gawin. Kung hindi mo siya kayang mahalin sa lahat ng bagay na mayroon ka, pakiusap, palayain mo siya!

Kailangang siya lang sa buhay mo. Kailangang nandiyan ka sa tabi niya kung alas tres ng umaga at gusto niyang marinig ang boses mo na nagsasabing ‘okay lang, tahan na’. Kailangan mong iparamdam sa kanyang ligtas siya ‘pag kasama ka at hindi siya dapat mag-alala. Kailangang halikan mo ang sugat ng kanyang kahapon at tagpiin ang sugat ng kasalukuyan. Kailangang mahalin mo siya ng buong puso. Mahalin mo kung ano siya.

Kung hindi mo kayang gawin ito, kung hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, huwag mo nang sayangin ang oras mo.

Kailangan niya ng taong magpaparamdam sa kanya ng libo-libong paro-parong lumilipad sa kanyang tiyan, o ang bolta-boltaheng kuryenteng humihimay sa kanyang kaloob-looban. Pero kung hindi mo maibigay ito, hayaan mo na siya.

Kaya pakiusap! Kung hindi mo kayang gawin ang mga ito, kung hindi mo siya kayang mahalin sa paraang gusto niya, pakiusap… bitawan mo na siya!

Source:
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s