Nararamdaman

fanpop.com

fanpop.com

Nararamdaman ko na naman ang ganitong pakiramdam. Sa katagalan nagiging pamilyar na sa akin ang tono ng bawat pakiramdam na ito. Para na siyang isang kantang paulit-ulit na nakasalang at walang tigil ang melodiyang hatid. Gusto kong tumakbo palayo para hindi ko na ito marinig, para lubayan na ako at tigilan. Pero sa bawat paghakbang ko hinihila ako pabalik, ayaw akong bitiwan, ayaw akong patahimikin.

Dapat sanay na ako, dapat alam ko na ang dapat gawin at galawin. Dapat makikinig nalang ako o di kaya’y sabayan ang bawat musika nito. Pero hindi, naroon pa rin ang sakit sa bawat tonong nahuhulma. Naroon pa rin ang pakiramdam kung babalikan at isaisip ang bawat pangyayari.

Minsan, naiisip ko baka nababaliw na ako. Baka kinakain na ng utak ang buong sistema ko. Baka hahantong na naman ako sa piling ni depresyon. Ayoko! Ayokong pagdaanan ang ganoong pakiramdam.. ulit! Pakiramdam ko nakakulong ako sa isang lugar na lahat ay nakasarado; hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw.

Susuko nalang ba ako? Pero hindi.. may lakas pa ako para lumaban at labanan ito. Pero ‘pag darating ang panahong hindi ko na kaya… patawad! Patawad.. dahil sumuko ako nalang ganun-ganon lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s