Pasanin

Nabunutan ako ng tinik nung nasabi ko sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Hindi dahil sa natatakot ako na hindi niya matanggap, kundi dahil ayokong kaawaan niya ako. Ayokong iparamdam niya sa akin na kahit anong oras pwede akong bawiin ng Maykapal. Oo, naroon ang takot; takot na baka mawala siya sa akin ‘pag nalaman niya. Pero mas nangingibabaw sa akin ang takot sa hinaharap. Noon, hindi ko iniinda ang kinabukasan ko, sunod lang ako sa agos ng panahon. Wala akong iniisip at wala akong pinangangambahan. Nilayo ko ang sarili ko sa lahat ng tao, kahit sa pamilya ko. Dahil ayokong maging malapit kahit kaninuman. Ayokong maranasan ang sakit ng maiwanan at mang-iwan. Pero nung makilala ko siya, doon unti-unting parang nagising ako sa katotohanan. Para na siyang makatotohanan sa balintataw ko. Doon na pumasok ang malaking takot at pangamba para sa hinaharap ko. Doon na nagsimulang balutin ako ng kakaibang enerhiyang hindi ko dapat maramdaman. Doon unti-unting umukit ang isang senaryo sa akin, paano kung makapag-asawa ako at magka-anak? Paano kung darating ang araw na maiwanan ko sila? Naiwan na naman akong nakasiksik sa sulok at umiiyak. Ayoko! Hindi ko dapat ‘to iniisip. Hindi ko siya dapat nakilala… para hindi ako nangamba. Hindi ko dapat siya pinapasok sa buhay ko para guluhin ang sistema ko. Dapat mag-isa ako ngayon na tinatahak ang daang palayo sa lahat ng bagay. Wala akong iisipin kundi sarili ko lang. Mawala man ako, walang tatangis, walang masasaktan. Pero iba na, iba na ngayon. Para na akong nahuhulog sa sarili kong bitag. Hindi ako makahinga….

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s