Tadhana

Nakilala kita sa hindi inaasahang panahon. Nakilala kita sa lugar kung saan hindi ko naisip na mangyayari iyon. Hindi ako naging handa sa pagdating mo. Para kang isang kidlat na bigla nalang dumating.

Maaaring ikaw na ang Superman ng buhay ko upang ako’y sagipin. Maaaring ikaw mag-aaahon sa akin sa kapighatiang dala ng pait at sakit ng buhay. Maaaring ikaw ay magbibigay lakas sa akin na sumuong sa dagok na dala ng bukas. Maaaring ikaw ang magiging dahilan ng pagiging masaya ko sa buhay.

Alam kong ikaw ang tadhana ko. Alam kong ikaw ang Prinsipe ng buhay ko. Alam kong ikaw ang ‘the one’ ko. Alam kong ikaw ang ‘Popoy’ ko. Dahil ramdam ko na sa bawat tingin mo sa akin, naniniwala akong ako lang rin para sa’yo.

Naging maayos ang lahat sa kabila ng hindi inaasahang pagdating mo. Masyado akong naging maligaya sa piling mo na hindi ko na naman naisip ang aking sarili. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Masyado akong naging bulag sa mga bagay na alam kong pansamantala lamang.

Naramdaman ko ang tinatawag nilang ‘kilig’. Naramdaman ko ang libo-libong paro-parong lumilipad sa kaibuturan ng tiyan ko. Tumawa ako ng malakas at isinawalang-bahala na ako’y iiyak pagkatapos.

Binigyan mo ng kulay ang buhay ko. Ginuhitan mo ng saya ang mukha ko. Pinaramdam mo sa akin kung paano pahalagahan ang isang tulad ko. Sa lahat ng iyon pakiramdam ko ay sasabog ako sa sayang nararamdaman ko.

Pero hanggang doon lang pala iyon. Naghintay ako, hinintay kitang sabihin mo ang nararamdaman mo sa akin pero bigo ako. Hinintay kong sabihin mo na pareho lang tayo ng nararamdaman pero laylay ang balikat na naupo ako sa tabi. Hindi ko alam kung hanggang saan tayo dadalhin ng ligayang ito. Minsan nakakapagod na rin ang maging ganito; walang kasiguraduhang relasyon.

Pero sa kabila ng ilang gabi kong pag-iyak, naidalangin ko pa rin na sana… sana masabi mo rin ang katagang matagal ko ng hinihintay.

Gusto kitang alagaan na parang ate mo, gusto kitang pangaralan na parang nanay mo, gusto kitang pasayahin na parang bestfriend mo, at gusto kitang mahalin na parang girlfriend mo.

Pero kapag hindi darating ang araw na iyon, lagi mong tatandaan na nandito lang ako peksman, mamatay man.

Dahil para sa akin, kahit matagal pa ‘yun.. maghihintay pa rin ako magpakailanman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s