Depresyon

Nakita ko na naman ang sarili kong malungkot at natatakot. Natatakot na maaari na naman akong madala palayo ni depresyon. Malulunod na naman ako at mahihirapang umahon. Minsan gusto kong tumakbo palayo pero isang hakbang ko palang naaabot na niya ako. Gusto kong kumawala pero para siyang isang malaking tali na mahirap kalasin.

Gusto kong sumigaw ng malakas para kahit papano mapagaan ang nararamdaman ko pero walang nakikinig. Gusto kong humulagpos ng iyak ngunit walang may yayakap. Mag-isa kong sinusuong ang ulan dahil walang magpapasilong sa kanilang dalang payong.

Minsan gusto ko Siyang sisihin ngunit hindi ko magawa. Buong sistema ko ang nagsusumigaw na wala Siyang kasalanan na walang dapat sisihin kahit ang sarili ko.

Nakita ko ang isang imahe ng lalaki sa malayo; nakangiti at nakabukas ang palad para saluhin ako. Pero bakit imbes na lumakad ako ng papunta doon ay humakbang ako pabalik. Hindi ko kayang pumunta sa kinaruruonan niya. Hindi ko kayang dayain ang sarili ko na masaya para sa kanya. Dahil hindi ako mapanlinlang gaya ng iba.

Siguro matututunan ko rin siyang pasukin sa buhay ko, dahil alam kong nadiyan lang siya para sa akin. Pero natatakot ako dahil baka masaktan ko lang siya. Alam ko ang nararamdaman ng nasasaktan kaya ayaw kong iparamdam sa iba ang prosesong iyon. Masakit, walang kasing sakit ang alam mong hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo.

Sana darating ang panahon na matatanggap ko rin ang kapalaran ko. Ang kapalaran na mananatili na lang akong mag-iisa sa mundo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s