Part 14

collectionphotos.com

collectionphotos.com

“Kamusta ka na?” napahinto ako sa pag libot ng paningin ko. Ganun pa rin naman ang lugar, gaya pa rin ng dati. Tiningnan ko ang nagsalita, nakita ko ang guilt sa kanyang mukha. Pero para saan?

Nag-iwas ako ng tingin kaya hindi ko pa nakita ang buong mukha niya.

Tumungo ako. “Okay lang naman..”

“Marga.. tell me” hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. “Tell me kung sinasaktan ka ng lalaking iyon! Kukunin kita!” puno ng determinasyon ang tinig niya. Agad na lumipad ang mata ko sa mata niya. Galit, panghihinayang at pagkabigo ang nababasa ko doon.

“Di ba sabi ko, okay lang ako?” nakalimutan kong kumawala sa mga kamay niya kaya bigla ko iyong hinablot.

“No, you’re not okay. You are too far from being okay” ineksamin niyang mabuti ang mukha ko at napaiwas ulit ako. Kung kailangang itago ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon ay gagawin ko. Hindi ko hahayaan na kaawaan ulit niya ako gaya ng dati.

“What are you talking about? Kung yung eksena kanina…” at nabigla nalang ako ng mabuwal siya sa silyang kinauupuan niya. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Agad kong nakita ang nakatayong katawan ni Jack habang tumaas-baba ang dibdib niya na nakatingin sa lalaking nasa sahig.

“Damn, are you going to ruin everything? Hanggang saan mo ako kayang sirain? Aagawin mo ulit siya sa akin?” nakaduro ang kamay niya sa akin. “Putang-ina mo Ervin!” nakita ko kung gaano ang galit sa mga mata niya. Sinipa niya ito, napatayo na ako.

“Jack, tama na please” sigaw ko. Ang mga tao sa paligid ay nakatayo na sa gilid namin. Walang may nakialam.

“And you…” bigla yatang naging mabilis pa sa kabayo ang pintig ng puso ko nung bumaling siya sa akin. “Sasama ka ulit sa kanya? Tatraidorin ninyo ako ulit?” nag-aalab na ang mga mata niya.

Bigla siyang natumba dahil siguro sa sipa ni Ervin. Napasigaw ulit ako. Nakita ko nalang na nagbubunuan na sila. Hindi ko alam ang gagawin.

Napatayo si Jack at sinunggaban ko ang braso niya.

“Please, tama…” bigla niya akong tinabig at napabagsak ako sa sahig. Huli na ng mapagtanto ko nang makita ko ang dugong unti-unting lumabas sa aking hita. At nawalan na ako ng malay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s