Part 13

stuffpoint.com

stuffpoint.com

Nag-aayos ako sa kwarto ni Jack ng makita ang isang parang shoe box ng nike sa ilalim ng kama niya. Hindi naman bago sa paningin ko dahil nakikita ko lagi na nakakalat ang mga bago niyang biling sapatos. Pero ang isang ito ay para akong hinihigop na hindi ko maintindihan. Bubuksan ko ba? Hindi naman siguro magagalit ‘yun. Alam niyang naglilinis ako dito sa loob kaya wala naman sigurong masama doon.

Biglang kinabahan ako na hindi ko maintindihan. Bigla kasing kumabog ang puso ko. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon at bumungad sa akin ang isang larawan. Nabigla ako at agad napatakip sa aking bibig. Biglang nagwala ang lahat ng lamang-loob ko. Napaupo ako at nanginginig na dinampot ang litratong iyon. Nakangiti silang pareho habang nakaakbay ang lalaki sa balikat ng babae. Masaya sila, nagsusumigaw sa ganda ang matayog na eiffel tower sa kanilang likuran.

Nanghina bigla ang lahat ng sistema sa katawan ko kasabay ng pagwawala niyon. Tumulo nalang bigla ang luha ko. Sunod-sunod hanggang sa manikip ang dibdib ko. Napangiti ako, ang saya-saya pa namin noon.

Lumipad ang tingin ko sa loob ng kahon, naroon ang bracelet na binigay ko sa kanya noong unang anniversary namin. May nakaukit pa doong maliit na larawan ni Sin Chan, idol ko kasi si Sin Chan. Napatawa ako bigla sa naisip. Maraming bagay pa akong nakita at lahat ng iyon ay may kaugnayan sa aming dalawa. Bakit nakatago pa rin dito? Akala ko tinapon niya na. Akala ko wala na siyang mga alaala ng nakaraan. Akala ko kinalimutan na niya..

“What are you doing here?!” napalingon ako bigla. Nakita kong nakatayo sa pintuan si Jack. Galit ang anyo.

“I’m just…i’m…” mabilis na lumakad siya at hinablot ang larawan sa kamay ko.

“How dare you?” duro niya sa akin. Kinuha niya ang kahon at umalis. Napasunod ako sa kanya.

“Jack, Let me explain…” agad akong nagulat ng hinagis niya ang kahon sa basurahan sa harap ng bahay namin. Humarap siya sa akin.

“I am about to throw that thing but i forgot, so ‘wag mong bigyan ng kahulugan kung bakit nasa akin pa ‘yan” pahinamad niyang sabi. Naglakad na siya at tinungo ang kotse sabay alis.

Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Ang sakit, ang sakit sakit..

“Marga…” tumingin ako sa biglang nagsalita sa labas ng gate namin. At nakita ko ang imahe ni Ervin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s