Part 12

animewallpaperhq.blogspot.com

animewallpaperhq.blogspot.com

Balik na naman sa dati.

Kunting pag-alala galing sa kanya pero pagkatapos nun wala na. Hindi ko alam kung magagalit o maaawa sa sarili ko.

Kinaumagahan, lumabas ako ng kwarto ko para makarinig ng ungol sa kabilang kwarto. Kakatok na sana ako ng makita ang mga damit na nagkalat sa sala. Nakita ko ang skirt kaya alam kong may dinala siyang babae. Kumirot bigla ang dibdib ko.

‘Gaga ka ba? Ba’t ka nasasaktan?’ sigaw ng isip ko.

Nasa kusina ako ng maramdamang lumabas na sila sa kwarto. Sumilip ako kaya nakita kong hinalikan sa ng babae ng paalis na ito. Nabigla ako ng biglang lumingon si Jack at nakita akong nakasilip. Binigyan niya lang ako ng isang malamig na tingin at bumalik na sa kwarto niya ng makaalis ang babae.

Pwede ko silang sampahan ng kaso dahil sa ginagawa nila. Adultery! Pero pa ano pa? Masasayang lang ang oras, pera at wala ka namang makukuha doon. Accept it or not Marga, pinasukan mo ito hindi ka makakaalis ng ganun-ganon lang.

Ganun rin kasi pag mahal mo ang isang tao, lahat kakayanin mo.. lahat pagtitiisan mo. Sabihan ka mang tanga, wala kang pakialam.

Sa limang buwang magkasama kami ni Jack, hindi ko na naramdamang babae ako sa paningin niya; na nasasaktan rin at nagmamahal rin. Sa limang buwan, lahat ng oras ko nasa kanya pero ni minsan hindi niya ako binigyang kahit na katiting na oras din niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s