Part 11

pharhana.blogspot.com

pharhana.blogspot.com

Lumipas at nagdaan ang mga araw. Ang turingan namin ni Jack sa isa’t-isa ay parang magkasambahay lang. Ni tapunan ako ng tingin hindi niya magawa. At hindi ko siya masisisi, galit siya sa akin at alam na alam ko iyon. Pero bakit hanggang ngayon nandito pa rin ako? Bakit nagtitiis ako dito para sa batang ito?

Pero dumating ang araw na siguro, pinarerealize sa akin na dapat kong bigyan siya ng halaga.

Nasa loob ako ng banyo ng kunin ang bimpo sana. Dahil sa basa pa dahil ka kaligo ko lang ay nadulas ako. Doon ko naramdaman ang sakit sa balakang ko at nakita ko ang dugo na unti-unting dumadaloy sa aking mga paa. Nagulat ako at agad nakaramdam ng takot. Nanginig ang buo kong katawan at nawalan ako ng lakas. Hindi ko alam kong sumigaw ba talaga ako dahil hindi ko naman narinig na may lumabas na boses sa lalamunan ko.

Pero nakita kong nandoon na si Jack at nang makita ako ay nagulat at agad akong dinaluhan. Nagpanic na rin siya at agad akong isinakay sa kanyang sasakyan. Hanggang sa ospital hindi ko mabilang kung ilang beses kong pinagdasal ang ‘Our father’. Ang malinaw lang sa akin ay kailangang maligtas ang bata sa sinapupunan ko.

Maraming test ang ginawa sa akin, nakatulala ako ng ianunsyo ng doctor na ligtas kaming pareho. Nung dinala na ako sa magiging kwarto ko ay tulala pa rin ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Akala ko mawawala na siya sa akin, hindi ko kakayanin! Nung makita ko si Mama saka lang ako napaiyak ng todo. Yung iyak na parang ayaw ko ng tumahan. Hindi ko alam kong anong mangyayari sa akin ‘pag nawala ang baby ko, siguro mababaliw ako.

Oo, ang baby ko!

Doon ko tuluyang na tanggap ang lahat. Na magiging ina na ako sa munting anghel na ito. Himas ko ang tiyan ko dahil masaya ako. Masaya ako na binigyan ako ng pagkakataon na mabago ang pananaw ko sa kanya. Anak ko siya, at ‘yun ang hindi magbabago.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s