Part 8

“Congratulation, Margarette” narinig kong may nagsalita ng palabas na ako sa gawing reception area. Tiningnan ko ang nagsalita dahil pamilyar ang boses niya.

Nakangiti ng patuya sa akin ang mukha niya.

“At sinong nag-imbita sa’yo sa AKING kasal?” patuya rin akong ngumiti.

“Of course, my loving BOYFRIEND the one…”

Hindi ko na siya pinatapos dahil nanginginig ang katawan ko sa galit. Lahat ng pagtitimpi at lahat ng enerhiyang inipon ko ng ilang buwan. Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas.

“Ikaw ang umagaw sa akin hindi ako, Lily!” sigaw ko. The nerve! Ako pa ang pagbibintangan niya? She has no right to accuse me dahil from the start siya ang gumawa ng pambibintang niya.  At may gana pa talaga siyang magpakita sa akin ngayon.

Nakita ko sa malapit ang nakatayong 4 layer cake. Kumulo pa lalo ang dugo ko.

Sinabunuton ko siya at hinila ang buhok niya palapit sa cake. Nagsisigaw siya. “Jack! Tulungan mo ‘ko!”

Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at nginudngod ang mukha sa cake. That serves you right, bitch!

Hindi ko na narinig ang mga sigaw sa paligid.

Ang mas narinig ko ay ang tinig ni mama “Oh my God! Marga!”.

“Margarette!” si Papa.

“Margarette Samantha!” si Jack at mabilis na dinaluhan si Lily. Ang pinakamamahal niyang si Lily. Napangiwi ako at umalis na.

‘Magsama kayo mga loser!’  

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s