Part 7

s299.photobucket.com

s299.photobucket.com

Naglalakad ako ng dahan-dahan parang kay bigat ng nararamdaman ko. Ang araw na ito ay ang pinakasamasayang araw para sa iba, pero para sa akin isa ito sa mga araw na sana hindi nalang nangyari.

Pinangarap ko noon ang ganitong senaryo, na masayang-masaya ako habang naglalakad. Umiiyak dahil masaya, hindi dahil malungkot at habag na habag sa sarili.

Tiningnan ko ang nasa gilid ko. Ang mukha ni Papa ang nakita ko sa tabi ko, napakaseryuso habang naglalakad. Kung sa ibang pagkakataon siguro ito, ay masayang-masaya siya. Mabuti nalang at may nakaharang na belo sa mukha ko. Suminghot ako dahilan para hawakan ako ng mahigpit ni Papa. May umalpas na butil ng luha sa mga mata ko, pero hindi ko hinayaang masundan pa iyon. Malalim akong bumuntong-hininga.

Nang nasa harapan na kami ay nakita kong seryuso rin ang mukha ni Jack. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Nang papalapit na kami sa harapan ng altar ay bumulong siya sa akin.

“Ito na ang pagkakataon na binigyan mo ako ng karapatang saktan ka.”

Nagtimpi ako kahit gustong-gusto ko siyang sampalin.

Natapos ang mesa na hindi ko naintindihan kung anong mga pinagsasabi ng pari na nasa gitna.

“You may now kiss the bride” anunsyo nito.

Biglang nanlamig at nag stiff ang buong katawan ko.

Dahan-dahang hinawi ni Jack ang belong nakatakip sa mukha ko. Patuya siyang nakangiti na nakatingin sa akin parang sinasabing siya pa rin ang nagwagi sa lahat ng ito.

“You.are.mine.now.Margarette.Samantha.Saavedra.Guzman” at unti-unti niyang nilapit ang mukha sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko para lamang mapadilat ng maramdamang hinalikan lang niya ako sa pisngi. Patuya siyang tumingin sa akin ng magpalakpakan ang tao sa paligid.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s