Part 5

Naglalakad ako na parang wala sa sarili. Nasa isang kamay ko ang bag habang laylay ang balikat sa kabila. Hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko, sari-saring emosyon na parang ang hirap huminga.

Napatigil ako nang makarinig ng ingay. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang grupo ng mga kalalakihang papalabas ng gym.

Nakita ko siyang napatingin sa akin at agad nangunot ang noo. Naka jersey siyang kulay blue, miyerkules pala ngayon, schedule ng basketbol nila.

“Hi, Marga” bati nang isang lalaki sa akin, si Raymond. Bigla siyang siniko ng katabi niya; si Mico.

“Sige, Jack mauna na kami” sabad ni James at sumakay na sila sa kani-kanilang sasakyan.

Nakatingin pa rin siya sa akin. Nakita kong gumagalaw ang bagang niya.

Kinabahan ako bigla at nanlalamig ang buo kong katawan.

Pinindot niya ang car key niya.

“Get in” yun lang at pumasok na siya sa kotse niya. Natigilan pa ako pero nang binusinahan niya ako ay patakbo kong tinungo ang kabilang side ng kotse.

Pumasok ako na nanginginig, hindi ko alam ang sasabihin. Pinaharurot niya ang sasakyan habang daan wala kaming imik. Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin pero bahala na.

Tumigil ang sasakyan niya sa tabi ng dagat. Madilim dahil gabi na. Bumaba siya kaya bumaba na rin ako, bitbit ang bag ko. Malamig na hangin ang naramdaman ko pagkababa ko. Nakaharap siya sa dagat habang nakahalukipkip.

“What do you want?”.

Bumalik na naman ang naramdaman kong sakit. Lahat nalang ng tao galit sa akin. Oo, kasalanan ko pero sana intindihin naman nila ako at ang kalagayan ko.

Nang hindi pa rin ako sumagot, nagpatuloy siya “If this is all about last…”

“I’m pregnant” sansala ko sa sasabihin niya.

Bigla ang ginawa niyang pagbaling sa kinatatayuan ko. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nakita ko pa ang pag tiim-bagang niya.

“Are you sure that’s mine? Ervin…” 

Inisang hakbang ko lang ang pagitan namin at sinampal siya. Bigla ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko at pagtagis ng bagang ko.

“Alam mong sa’yo ‘to! At alam mong walang may nangyayari sa amin ni Ervin” sigaw ko sa kanya. Unbelievable! Napaka-unbelievable niya!

Dinampot ko ang bag na nabitawan ko at umalis na sa lugar na iyon. Hindi ako nandito para magmakaawa sa kanyang panagutan niya ang batang dinadala ko. Hindi ako sumama sa kanya para bigyan niya ako kahit ng kaunting awa. Hindiko siya binibigyan ng panahon dahil gusto kong maniwala siyang sa kanya ito.

Pinahiran ko ang luhang namamalisbis sa pisngi ko. Ang malas-malas ko ngayong araw. At ang sakit-sakit ng pakiramdam ko.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko na mapigilang hindi mapaluhod at humagulgol. Wala akong pakialam kong may makarinig ng panaghoy ko. Wala akong pakialam kong nakakaawa ang itsura ko. Wala akong pakialam kong basang-basa ako ng ulan.

Ang pakialam ko ay bakit napakasakit ng lahat ng ito?

Dahil siguro sa pinagsama-samang stress, sakit at galit kaya ako nawalan ng malay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s