Part 4

cutecharmie.deviantart.com

cutecharmie.deviantart.com

Pag pasok ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng sampal ni Papa. Umiiyak na inaalo ni Mama ito.

“Walanghiya ka! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!” tinapon niya sa akin ang isang papel.

Pinulot ko sa sahig at nagulat ng makita ang result ng pregnancy test ko sa isang clinic na pinag check-upon ko.

Tumingin ako sa kapatid kong nasa likuran nila Mama at Papa at nakita kong patuya siyang nakangiti sa akin.

“Anong kahihiyan doon?” agad akong tumingin kay Papa. Unti-unting umuusbong ang galit ko sa kanya, sa kapatid ko, sa lahat ng tao. Kasalanan ba ang mabuntis? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Umiling ako habang namumuo ang luha sa mga mata ko. “Bakit ako mahihiya, Papa? Bente-singko na po ako, may marangal na trabaho, at may boyfriend” sa huling sinabi ko ay parang nasamid ako.

Nakita kong mas lumala ang galit niya “Iyon na nga, Margarette Samantha! May boyfriend ka. Pero hindi si Ervin ang ama!” nakaduro na siya sa akin ngayon. “Alam mo at alam nating lahat na dalawang buwan na nawala si Ervin dahil nagpunta ng Australia at mahigit isang buwan pa lang ang batang ‘yan sa sinapupunan mo!” nanlilisik na ang mga mata niya habang nakaduro sa tiyan ko. “Sabihin mo sa akin, anong nakakahiya doon?” malakas na ang tinig niya.

Napaiyak na ako ng tuluyan. Habag na habag ako sa sarili ko.

“Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Layas!” sigaw niya pagkatapos ay umalis na at pumasok sa kwarto niya. Tiningnan lamang ako ni Mama ng may paumanhin sa mga mata niya at sumunod na kay Papa.

“Ang bag mo” sabay hagis sa akin ng kapatid ko ng malaking bag na siguro puno ng mga damit ko. Inismaran niya ako at naglakad na sa itaas papuntang kwarto niya.

Wala na akong nagawa kaya pinulot ko nalang ang bag at dahan-dahang umalis kasabay ng pag-uunahang pagpatak ng luha ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s