Part 3

Napatingin ako sa lalaking pasuray-suray sa daan. Tumakbo ako sa kinaruruonan niya nang makitang nadapa siya. Tinulungan ko siyang makatayo pero tinabig niya ang kamay ko dahilan para masubsok siya sa semento.

“Fuck!”

Pero tinulungan ko pa rin siya ulit na makatayo. Pumara ako ng taxi at tinulungan naman ako ng driver na pasakayin siya. Hapng-hapo ako dahil ang bigat-bigat niya. Sa taxi nakasandal lang siya sa akin. Nang makarating na kami sa lugar na iyon ay hindi na ako humingi ng tulong sa mamang driver dahil medyo naalimpungatan na siya.

Sinundan ko siya hanggang sa unit niya. Hindi niya maipasok ang susi sa seradura ng pintuan kaya tinulungan ko na siya. Napasubsob ulit siya sa semento, napamura ako.

Tinulungan ko na siyang tumayo at pinasok sa loob. Nakita ko agad ang pintuan papuntang kwarto niya kaya doon ko na siya dinala. 

Nang binaba ko na siya sa kama ay agad niya akong niyakap.

“Lily!” anas niya.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sabi ng driver sa akin.

“Dito na po tayo, Miss”.

Dali-dali naman akong nagbayad at bumaba sa taxi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s