Part 2

Hindi ko maintindihan kong magagalit o magpapasalamat ako sa reaksyon niyang iyon.

Magagalit- dahil iniwan niya lang ako ng ganun-ganun nalang.

Magpapasalamat- dahil hindi man lang siya nagtanong o nagalit sa akin.

Pero hindi ko rin siya masisisi. Wala akong karapatang magalit sa kanya. Wala!

Huminga ako nang malalim. Sa limang buwan na naging kami ni Ervin, hindi niya ako pinabayaan o sinaktan kahit minsan. Minahal niya ako ng totoo, higit pa sa sarili niya. Lagi niyang iniisip ang kaligayahan at kapakanan ko at nagpapasalamat ako doon. Mabait siya at mahal na mahal niya ako.

Napatingin ako sa tiyan ko, sabi ng doctor 5 weeks na daw siya. Hindi ko mapigilang haplusin kahit wala pang nakaumbok doon. Nabuhayan ako ng loob. Siya nalang ang natitira sa akin, siya nalang ang magbibigay lakas sa akin sa hinaharap.

Pero nalungkot pa rin ako ng tanawin ang daang tinahak kanina ni Ervin.

‘Patawad, Ervin’.

At tumayo na ako kasabay nang unti-unti ko ring paglayo sa lugar na iyon. Sa lugar na naging saksi sa mga masasayang araw namin ni Ervin. At alam kong hindi na ulit ako makakabalik doon. Dahil alam ko na wala na rin akong babalikan.

Dahil alam ni Ervin, na hindi ito sa kanya. Dahil ni minsan, hindi ko siya hinayaang pasukin ang aking puso.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s