Dalawampung bagay na dapat mong gawin araw-araw

1. Gumising ng maaga. Hindi lamang para marami kang magagawa sa buong araw kundi pati na rin na makagagawa ka ng masarap at masustansiyang agahan.

2. Mag-ayos ng kama. Aminin man natin o hindi, masarap pa ring umuwi sa bahay pagkatapos ng klase/trabaho na maayos ang ating kinahihigaan.

3. Maglaan ng kaunti o maraming oras sa pag-aayos sa sarili. Bigyan mo ng oras ang pagpili ng damit, pagpapaganda o anupaman. Gawin mo ang mga bagay na tutulong para maging kampante ka sa iyong sarili.

4. Uminom ng marami. Magdala ng isang boteng tubig saan ka man magpunta.

5. Mag stretch araw-araw o mag yoga.

6. Lumikha ng isang playlist ng paborito mong kanta na nagbibigay saya sa’yo at makinig dito. Minsan kasi ‘pag naririnig natin ang mga gusto nating kanta nagiging maganda ang araw at pakiramdam natin.

7. Purihin kahit isang tao sa isang araw. Kahit sino; kaklasi, kaibigan, katrabaho, estranghero o kahit sino!

8. Laging ugaliing maging magalang. Pag may nagbukas ng pintuan para sa’yo pumasok ka, hindi ka naman mamatay sa isang simpleng ‘salamat’.

9. Kumain ng prutas at gulay, laging piliin ang mga masusustansiyang pagkain kaysa sa mga junk foods.

10. Tumawa ka. Tawagan ang kaibigan at manood ng mga nakakatawang pelikula, mag-usap tungkol sa mga nakaaaliw na bagay na nangyari sa’yo. Hindi kailangan na maging doctor ka para malaman na ang pagtawa ay maraming benepisyo.

11. Laging umasang lahat ay magiging maayos. Laging tumingin sa positibong bagay dahil hindi naman makatutulong kung magiging malungkot ka.

12. Mag-exercise. Hindi kailangang grabeng exercise. Ang pagtakbo sa inyong bloke, paglakad kasama ang aso, o simpleng ‘Just Dance’ na ehersisyo ay pwede na.

13. Magdala ng libro/magazine o mag kolekta ng diyaryo. Maglaan ng oras sa pagbabasa o gamitin ang oras na walang ginagawa sa pagbabasa.

14. Subukan na umalam ng mga bagong bagay sa araw-araw. Katulad ng mga kawili-wiling bagay na nakita mo sa internet o mga bagong talento na nakita mo sa ibang tao.

15. Tulungan mo ang ibang tao kung makakaya mo. Tulungan mo ang iyong kaklase sa kanilang homework o ang iyong kapitbahay na nagbubuhat ng mabigat na bagay.

16. Huwag maging tamad. Kahit gaano pa ka walang gana mo, tulungan mo ang ‘yong sarili na makompleto ang isang bagay na kailangang matapos sa araw na ito. Gawin ang mga dapat gawin. Alam mong pagkatapos mong magawa magiging masaya ka.

17. Uminom ng tea dahil sa napakasarap (depende) at maraming pakinabang na naibibigay.

18. Maglaan ng oras sa mga bagay na nagbibigay ng kaginhawaan sa’yo. Katulad ng pag papainting, paliligo, paglilinis ng kuko o pagtakbo.

19. Huwag malugmok sa mga pagkakamali mo, dapat gawin mo itong inspirasyon para maging mabuti kang tao.

20. At panghuli, maging mabuti sa iyong sarili. Kapag minahal mo ang iyong sarili, mamahalin ka rin ng iba.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s