Single ka

pilipinokuno.com

pilipinokuno.com

Single ka kasi single ka. Hindi dahil mahilig kang magtext or naghihintay ka pa nang tatlumpo’t tatlong segundo bago mag reply dahil nagreply siya nang ganun din katagal. Hindi dahil nakikipagkita ka pa sa Ex mo tuwing ala-singko ng umaga na walang nakakaalam o humahalik ka kung kanino lang pagkatapos mong makipag date sa isang walang modong lalaki.

Hindi ka single dahil ayaw mo sa pagkain na binigay sa’yo o natapilok ka paglabas n’yo galing sa panunuod ng sine. Hindi ka single dahil sinaktan mo ang unang boyfriend mo nung kinse ka pa lang, o hindi ka pa nakahingi ng tawad sa ginawa mo sa kanya hanggang ngayon. Hindi dahil nagseselos ka sa kaibigan mo dahil may bago na naman siyang boypren o dahil ang gusto mong lalaki ay may syota nang iba at napakasaya nila. At masaya ka para sa kanila. Pero nalulungkot rin naman kasi hindi ikaw ang babaeng iyon.
Hindi ka single dahil natulog kang kasama ang Ex mo. Hindi ka single dahil nalaman ng buong mundo na single ka at hindi mo gustong maalala iyon. Hindi ka single dahil ang inirereto sa’yo ng kaibigan mo ay pangit at pandak. O ayaw mo sa taong hindi man lang inaalagaan ang sarili.

Hindi ka single dahil napakataas ng pamantayan mo pagdating sa lalaking mamahalin mo. Mas mabuti pa nga iyong may pamantayan ka. Hindi dahil ayaw mo sa lalaking mabait na gusto kang ayain. At hindi dahil pag-uwi mo sa bahay ay gusto mong magsuot ng pajama at burahin ang iyong make-up. Hindi ka single dahil hindi ka pa natuto sa mga naging karelasyon mo noon o mas gusto mo pang manatili sa bahay kapag biyernes ng gabi kasama ang malamig na beer at manonood ng paborito mong programa. Kaysa magbihis, magpaganda at lumabas para pumunta ng bar kasama ang kaibigan. Hindi ka single dahil parang may kulang sa’yo.
Single ka kasi single ka. Ganun lang kasimple ‘yun. Hindi mo pa nakikita ang taong magkakaroon kayo ng koneksyon sa isa’t-isa. Magagawa mo ang gusto mo: masusuot mo ang mga gusto mong damit, makukulayan mo ng kahit anong kulay ang iyong buhok, mapupuntahan mo ang mga lugar na gustong-gusto mo at dahil.single.ka. Makakapunta ka sa mga bar para humanap ng lalaking gusto mo. At magagawa mo iyon hanggang sa makilala mo na siya. Pero huwag kang umasa ng parang sa telenobela. Mamuhay ka ng naaayon sa reyalidad at tumigil ka sa mga kahibangan mo tungkol sa mga ‘fairytale’. Darating ang oras na ang lahat ng mga ginagawa mo ngayon ay hindi mo na magagawa kapag nasa relasyon ka na, kaya magpasalamat ka nalang ngayon. Magpasalamat ka dahil may kalayaan ka pa.
Why You’re Single by Amanda Crute    (viamoonsads) – Tagalog version(Source: christmasnoose, via alusyum)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s