Hinayaan kong madilim ang paligid. Naghugas na ako ng pinggan.
Ganito lang ako ngayong araw, wala namang bago.
Nanatili lang akong nakatingin sa malamig kong kape.
Nakalimutan ko na kung para saan ang hinlalaki ko kung hindi man lang napasadahan ang pangalan mo sa aking telepono.
Naghintay ako. Tumahimik ng ilang minuto.
Nagpanggap na mas okay na ngayon.
Hindi na makasarili, hindi na desperado,
dahil binibigyan ko na ng halaga ang sarili ko.
Inulit-ulit ko sa isip ang pangalan mo hanggang hindi na maging salita iyon. Sabi ko sa sarili ko, importante ako sa ‘yo pero bakit hindi ko na makumbinsi?
Pero, pauli-ulit. Hanggang magsawa na ako.
Hinayaan kong buksan ang sarili ko na parang isang manyikang Matryoshka, nagbabakasaling matagpuan kita doon, pero tanging kahungkagan lamang ang nakita ko. Paulit-ulit rin, pero ganun pa rin.
Hindi ka makakahanap ng taong magmamahal sa ‘yo ng ganito,
na kayang pahalagahan at unawain ang katulad mo. Ang taong nandiyan ‘pag kailangan mo.
Lahat ng pasakit na ‘to ay walang halaga.
Kasi, pag paulit-ulit lang; ang tono ay nag-iiba.
Minsan, nakakapagod na rin ang ganito
Dahil alam mong sa huli, ikaw rin lang makakatulong sa sarili mo.
-Whiteangel 
(Originally Posted: http://wytniangel.blogspot.sg/)
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s