(Source: fightingadepression, via d-i-a-b-o-l-i-s-m)

(Source: fightingadepression, via d-i-a-b-o-l-i-s-m)

Hindi ko alam kung paano nangyari at bakit nangyari.
Bigla ka nalang tumigil.
Wala nang tawag sa gitna ng gabi kapag hindi ka makatulog, wala
na ring mga mensahi na nagsasabing “namimiss na kita”.
Ang panahong sinabi mo kung gaano ako kaganda ay
nung panahong nagtanong lang ako.
Hindi sa gusto kong malaman ang opinyon mo,
namimiss ko lang na marinig iyon mula sa ‘yo.
Kapag na sinasagot mo ang tawag ko parang kakaiba na,
palagi mo nalang sinasabi na “pagod ako”, “masama ang pakiramdam ko”.
Hindi ko alam ang sasabihin ko bago matapos
ang tawag na iyon, ‘yung salita ko ay parang
dahon na nalalagas na nang panahon.
Parang pakiramdam ko naapakan mo na ako,
pakiramdam ko para akong dumi na kumapit
sa iyong sapatos. Tinanggal mo ako ng madalian
kaysa hinayaang tumagal pa.
Ginawa ko ang lahat para hindi bumitaw, matagal!
Para siguro malaman kung mahalaga rin ako sa ‘yo.
Pero ‘yung kamay mo ay parang nakasemento
sa iyong tagiliran, parang pader na nakapalibot
sa ‘yong kaluluwa. Para akong halamang
tumutubo sa poste, pilit tumutubo paitaas upang
malaman o makita kung ano sa dako pa roon.
Pero hindi ko maabot iyon, dahil siguro
hindi ko kaya. Nang tumagal ang pagmamahal
na iyon ay nakalimutan mo na.
Hindi ko na matandaan kung gaano katagal
ka nagrereply, naging normal na iyon para sa akin.
Dumating ang mga gabing hindi na tayo nag-uusap,
ang umaga na dumarating na walang maganda,
mga araw na nag-uusap tayo ng limang minuto lamang,
Lahat nang iyon ay parang normal na lang.
Huminto ka, huminto ako.

Pero kahit ganun, alam mong sinubukan ko pa rin…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s