Nakayayanig ang mga nangyayari sa ating mundo ngayon. Hindi mo na alam kung saan ka titingin, kung sino ang ‘yung pagkakatiwalaan at sino ang susundin. Ang tao at lugar ay ginagawang basura ng mga may kapangyarihan. Ang bawat palabas sa sinehan na mga aksyon ay nangyayari na sa mundo. Ang bawat kathang-isip na nagyayari sa libro at telebisyon ay tila unti-unti na ring humuhulma at nagkakatotoo.

Dumidilim na ang mundo, hudyat na unti-unti ng kinakain ng kasamaan ang bawat sulok nito. At darating ang panahon na wala ng matitira. Hindi na maisasalba!

Sana darating din ang panahon na katulad sa mga palabas, mabubuhay si Goku, darating si Spiderman at Batman, lalaban si Darna at Catwoman. Lahat ng superhero sa mundo na ginawa ng mga tao ay mabubuhay at sasagipin ang mundo laban sa mga mapagsamantalang tao.

Alam ko na ang kalaban natin dito ay ang mga kapwa rin natin, mga kapwa natin na katulad ng mga bampira ay kailangan nila pumatay ng tao para mabuhay. Sarili! Sarili nila lamang ang kanilang iniisip.

Pero alam nating lahat na ang lahat ng ito ay may hangganan. Tinatanong sa Diyos kung nasaan siya? Nasaan nga ba siya? Pero ang tanging sagot diyan ay nandiyan lang siya. Pinaparamdam na niya sa atin na malapit na siyang magpakita. Na malapit na niyang kunin ang mga bagay na pinahiram niya lang sa atin katulad ng ating buhay. Na sa huli lahat ng kasamaan ay may kaakibat na karma. Hindi man natin lubos na maintindihan sa ngayon, ngunit darating ang panahon na lahat ng ito ay matatapos.

At sa araw na iyon, ang Diyos lamang ang matitira.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s