Sakit at Pait

stock-photo-young-woman-sitting-at-a-table-with-a-glass-of-wine-poured-96682813

Pagkagising ko sa umaga, uupo ako sa kusina nasa harapan ko ang isang mataas na baso na puno ng tubig kasabay nang pag-inum ko ng gamot. (Upang tumigil na ang panginginig ng aking mga kamay). (Upang kumalma na ang pagbilis ng tibok ng puso ko). (Upang hindi na umiba ang aking mukha). (Upang hindi na tumigas ang aking dugo). (Upang mawala na ang mga boses). (Upang hindi ko na subukang hawakan ang kutsilyo). (Upang lalayo ako sa apoy). (Upang makain ko ang masarap na pagkain). (Upang malasahan ko ang pait na dala ng isang alak). (Upang maalala ko ang mga labahan ko). (Upang maalala kong tumawag). (Upang maalala ko ang tawag sa bawat gamot). (Upang maalala ko ang bawat tawag sa iba’t-ibang sakit). (Upang hindi ko magalaw ang aking mga kamay). (Upang hindi maging magulo ang paligid). (Upang hindi na ako umiyak sa loob ng bus). (Upang hindi na ako umakyat sa pader). (Upang ang pagbabaliktanaw ko sa nakaraan ay maluwalhati). (Upang makatulog ako sa gabi ng matiwasay). (Upang hindi ako tatalon sa mga sasakyan). (Upang hindi magmamadali sa bawat tawag sa akin). (Upang hindi ako tumalon sa tulay). (Upang hindi ako makagalaw na parang sinasapian). (Upang hindi ako magwala). (Upang hindi ako manaksak ng ibang tao).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s