Alagaan mo ang iyong sarili

anorexiabeforeandafterpictures.com

anorexiabeforeandafterpictures.com

Alagaan mo ang iyong sarili

Ibig kong sabihin…

nakita kita kong paano ka tumakbo ng walong milya

kumain ng apat na pirasong strawberries sa agahan

at kumain ng kalahating tostang tinapay sa tanghalin (na may kasamang isang kutsaritang jam)

at pinagmamalaki mong ikaw’y malusog.

Alagaan mo ang iyong sarili

ang ibig kong sabihin..

nakita kita kong gaano mo gamitin ang kasabihang ‘walang imposible’ na panangga sa iyong sarili , at ginagawa mong panlaban para makamtan ang mga hindi mo makuhang mga bagay.

Alagaan mo ang iyong sarili

ibig kong sabihin..

nakuha mo ang mga bagay na gusto mo

at alam kong gusto mong bigyan ka ng masigabong palakpak pero hindi ko maibigay iyon

nakita ko kung paano mo lunukin ang tableta at hindi na ngumingiti at parang may sakit para lamang makuha mo ang inaasam mo

at itinatwa mo kung ikaw’y tatanungin na kung bakit ang dating maliit na espasyo sa ilalim ng iyong mga mata ngayon ay naging maitim na butas na.

Alagaan mo ang iyong sarili

AT ANG IBIG KONG SABIHIN…

nakaupo ako habang tinitingnan kung paano ka sumigaw sa harapan ko at sinasabi na

ang ibig mong sabihin tungkol sa ‘alagaan ang sarili’

dahil kahit anong nota sa tatlong salitang iyon

masakit tanggapin para sa’yo

At mas komportable ka sa mga bagay na hindi komportable sa’yo

at ipakita sa lahat na mali sila, maling-mali sila

kaysa aminin ito sa sarili mo

at tumigil sa kahangalan mo.

Sana alagaan mo naman ang sarili mo

dahil ginagawa mong robot ang katawan mo

pwersahin ang sarili na makuha ang numerong itinakda ng calories, pounds, inches, average at sukat ng mga natamo at karangalan at napanalunan mo

pero hindi ko na matandaan ang oras na ikaw’y natulog

o kumain ng paborito mong chocolate chips na gawa mo mismo

o sumulat sa iyong maliit na dyornal

o tumawa ng malakas hanggang maiyak sa katatawa

o lumabas kasama ang mga kaibigan mo na ngayon ay tinatanggihan mo na

o humingi ng tulong sa iba (dahil tao ka at kailangan mo ng tutulong sa’yo)

kaya sana…

dahil hindi ko ko kayang pwersahin ka, at ang magagawa ko nalang ay ang umasa na sana

ALAGAAN MO NAMAN ANG IYONG SARILI.

Galing sa english na bersyon ng ‘TAKE CARE YOURSELF’ source: healthiestvibes.tumblr.com

Isinalin sa tagalong ni Whiteangel

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s