The Great Gatsby

source: tannyroux

source: tannyroux

tumblr_msgadwR3Q61rid9bvo3_500tumblr_msgadwR3Q61rid9bvo1_500

Sino ang hindi makaalala sa pelikulang nagpa-inlab, nagpaiyak at nagbigay ng pag-asa sa buhay?

Ang Great Gatsby na sinulat ni F. Scott Fitzgerald noong 1925, ay naging tampok noong nakaraang taon (2013) dahil sa ginawang 3D drama film. Naging tampok ang bida dito na si Leonardo DiCaprioTobey MaguireCarey MulliganJoel Edgerton, and Elizabeth Debicki. at direktor na si  Baz Luhrman.

Ito ang isa sa mga pelikulang tumatak sa isipan at puso ko. Ilang araw din akong ‘di makamove-on dahil sa emosyonal na naramdaman ko. hahaha Nadala ako sa mga sitwasyon at pag-arte ng mga actor. Masasabi kong magagaling talaga ang gumanap sa pelikulang ito. Sopistikada at may-aral sa buhay. Pero siyempre dahil si Leonardo DiCaprio ang gumanap ay hindi ko pinaghinayangan panoorin. Mula pa sa pelikula niyang Titanic noon ay fan na ako.

Ang dramang ito ay puno ng pag-asang sana maibabalik pa ang nakaraan.

www.impactnottingham.com

Na sana madugtungan pa ang pagmamahalang hadlang ang katayuan sa buhay upang hindi sila ang magkatuluyan sa hinaharap.

Ngunit bakit kaysaklap ng tadhana? Karamihan, hindi umaayon ang panahon sa ating kagustuhan. Pilit man nating baguhin ang kapalaran, pilit man nating gawing tama ang mali pero sa huli ang mali ay mali.

Maihahalintulad ko ang bawat tauhan sa pelikulang ito sa pangkalahatang tao sa mundo ngayon. Maaaring isa ka kanila.

Gatsby

Paano kung ayaw sa’yo ng mga magulang ng taong gusto mo  dahil sa katayuan mo sa buhay?

Siya si Gatsby ang taong inalipusta ng pamilya ng babaeng mahal niya kaya nagsikap para iangat ang sarili at ipakita na maging kanya rin ito balang-araw. Aminin natin nangyayari ito sa totoong buhay (at isa na rin itong pabalik-balik na teleseryeng inaabangan nating panoorin), na minsan inapak-apakan at minaliit tayo ng ibang tao kaya tayo nagsikap. Kaya tayo nagpursige para ipakita sa kanila na kaya rin nating tumbasan kung anuman ang tinatamasa nila. Kaya tayo nagkaroon ng pag-asa, na hindi lang hihinto ang mundo dahil sa kanila. Kaya karamihan sa atin ay nag-aabroad para maging maginhawa. Doon tayo umambisyon at naging matapang sa pagharap sa kasalukuyan. Na hindi lahat ng panahon nasa ibaba tayo at mararating natin ang tagumpay basta’t magsikap lamang.

Ngunit katulad sa pelikulang ito, hindi lahat ng nakaraan ay pwede pa nating balikan at pwede pa nating dugtungan. Minsan kasi, maraming nangyayari doon sa panahong wala ka. Katulad nang kay Gatsby, katulad sa mahal niyang si Daisy. May nagmamay-ari na sa babae, at hindi na pwedeng maging sila.

www.moviezya.comKaya doon pumapasok ang kadesperaduhan, na kahit mali ay ginagawa. Kaya doon maraming kabit, maraming nang-iiwan. Dahil akala nila ang lahat ay maibabalik pa. Katulad sa pelikula ngayon na “Starting Over Again”. Okay lang pag silang dalawa ay parehong walang single, walang pananagutan sa iba. Pero kung hindi na pwede ay hindi na talaga pwede. Huwag ipilit, sa huli ikaw pa rin ang talo dito. Iwanan nalang ang nakaraan, gawin nalang inspirasyon para mapabuti ang buhay. Sa huli kung talagang para siya sa’yo ay ibibigay ‘yun ng tadhana.

cinemagnifique.blogspot.com

cinemagnifique.blogspot.com

Daisy Buchanan

Pag kontrolado tayo ng mga tao sa paligid natin lalong lalo na ang pamilya ay wala tayong magagawa kundi sumunod sa kanila. Katulad ni Daisy, isang babaeng umibig sa hindi niya kauri at hindi gusto ng kanyang pamilya. Wala siyang magagawa kundi magpatianod sa kanila. Walang kalaban-laban na sinunod ang gusto nila. Minsan ganun rin tayo, pag wala pa tayo sa wastong gulang kailangang sundin natin ang ating mga magulang. Pero paano kung pakialaman din nila ang magiging hinaharap mo? Paano kung sila ang pipili ng taong mamahalin mo? Maaaring may nag-eexist pa ng ganoong tradisyon sa mundong ito, na kung saan ang mga magulang ang pumipili ng magiging asawa ng kanilang anak. Pero diba, kung nakasalalay naman ang kaligayan mo dito bakit kailangan mo silang sundin? Kaya maraming nagrerebeldeng kabataan ngayon, pero hindi rin nila iniisip na ang kabutihan lamang ang iniisip ng magulang nila.

www.thestar.comPero paano kung bumalik ang taong mahal mo noon? At alam mong may malaking pitak pa siya sa puso mo? Pero hindi na pwede, may nagmamay-ari na sa’yong iba. At may papanagutan ka na sa kanila. Tatalikuran mo ba ang kasalukuyan para sa nakaraan? Paano kung natutuhan mo na ring tanggapin ang kasalukuyan? Itatapon mo nalang ba ito kahit marami ang masasaktan?

Minsan sa buhay pag may pananagutan na tayo, isinaalang alang na rin natin ang sitwasyon. Handa nating talikuran ang sarili nating kaligayahan alang-alang sa iba dahil hindi na pwede at may tao talagang mas higit na kailangan tayo kaysa sa taong naging bahagi ng nakaraan natin. Minsan kailangan na nating iwan ang nakaraan, hindi dahil kinalimutan na natin ito; kundi dahil KAILANGAN at yun ang DAPAT gawin.

Nick Carraway

Kadalasan sa buhay natin nakakakilala tayo ng mga taong magiging bahagi ng ating buhay. Minsan dumarating sila ng hindi natin inaasahan, ng hindi natin alam na mag-iiwan ng marka sa ating puso. Isang kaibigan,  minamahal o kakilala. Katulad ni Nick, magkakaroon tayo ng isang taong maging inspirasyon natin. Ang magiging dahilan ng ‘lumaban tayo’. Ang mamahalin natin ng tapat at walang halong pagkukunwari. Magbibigay ngiti at saya sa atin. Minsan nangyayari sa atin na ang isang estranghero ay magkakaroon ng dahilan ng pagbabago sa buhay, na masarap palang mabuhay.

Pero minsan, kailangan rin nila tayong iwan hindi dahil gusto nila kundi dahil parte lang iyon ng buhay natin. Pero mag-iiwan naman sila ng malaking marka sa atin na dadalhin at magiging alaala habang tayo ay nabubuhay. Ganyan lang ang buhay, may dumarating may umaalis. Basta’t ang mahalaga natuto tayong magtiwala, magmahal at magpahalaga sa kanila.

Tom

Nararamdaman natin pag ayaw na ng isang tao sa atin, mas masakit pag sinabi nila ng harapan. Paano kung ayaw mong pakawalan ang taong ito? Hindi dahil sa maramot ka kundi dahil pag-aari mo na siya. Parte na siya ng buhay mo na hindi mo kayanag mawala. Pero paano kung talagang ayaw na niya?

Maraming sitwasyon ngayon ang nangyayaring ganito sa ating lipunan. Ang taong iniiwanan, ang taong talo. Pero kung may karapatan tayo sa taong iyon ay kailangan rin nating lumaban. Sa huli hindi lang naman para sa atin ito kundi para sa taong mas nangangailangan ng pagmamahal nila.

uppitynegronetwork.com

uppitynegronetwork.com

Party

Elegante: pagandahan ng damit, paramihan ng pera, paramihan ng alahas at paramihan ng kakilala. Maihahalintulad ko sa susyudad ngayon, mas pinagtutoonang pansin pa nila ang status nila sa buhay kaysa sa kanilang ugali at kung paano sila mabuhay ng mabuti. Ang mundo ngayon ay masalimuot, mas sinasamba pa ng tao ang pera kaysa sa Panginoon. Mas maraming nagpapatayan dahil sa pera at materyal na bagay. Makamundong gahaman,  nagsisimula ito sa ating sarili. Bunga ng inggit sa kapwa at gustong mas angat sa karamihan. Gusto ng kapangyarihan para magawa ang gustong gawin. Pero ano ba ang nagagawa nito sa ating buhay? Temporaryong kaligayan lamang, sa huli hindi naman natin madadala iyan sa kabilang mundo. Hindi tayo matutulungan ng pera pag tayo ay namatay. Ang kaligayahan pa rin at katiwasayan ng puso ang mangingibabaw sa bawat isa sa atin.

lylybye.blogspot.com

lylybye.blogspot.com

Sa huli ang magiging isang alaala nalang tayo sa puso’t-isipan ng taong naging bahagi natin pag tayo ay nawala. Kaya habang nabubuhay pa tayo ay gawin natin ang tama. Maging masaya sa buhay na binigay ng Maykapal. Gawing inspirasyon ang mga bagay na nagdudulot ng maganda. Magpasalamat sa mga taong nagbigay ng ngiti at nagpasaya sa atin. Sabihan ng ‘mahal kita’ habang kaya pa nating magsalita. Puntahan ang lugar na gustong puntahan habang kaya pa nating maglakad. Yakapin ang taong mahalaga sa atin habang kaya pa nating unatin ang ating mga kamay.

Maikli lang ang buhay, hindi rin masamang minsan madapa ka bumangon ka at ipagpatuloy ito. Iwanan ang nakaraan, mabuhay sa kasalukuyan at gawing inspirasyon ang hinaharap. Hindi rin masamang mangarap basta’t kaya mong abutin.

Let it go..

Let it fly..

Love and be love.

Masarap ang magmahal at mahalin.

#BELIEVE

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s