Post valentine hang over

Bakit kung sino pa ang ‘di mo gusto ay siyang gusto ka, at ang gusto mo naman ay hindi ka gusto.

Magulo diba? Kasing gulo ng basurahan na nadaanan ko kanina pagpasok sa opisina. At malabo, kasing labo ng tubig kanal sa ilog Pasig at Marikina.

Na-curious ba kayo kung pa’no ko cinelebrate ang Valentines day ko? Well, alam kong walang may na-curious at feeling ko lang meron pero wala naman talaga. Anyway, hayaan n’yo na akong magdakdak, blog ko naman ito paki n’yo?

Sa totoo lang never pa akong magcelebrate ng Valentines day na may ka date, ah naranasan ko pala pero date with my bestfriend naman ‘yun. Lagi nalang kasi akong bingkong pagdating ng valentines. So pangarap ko talagang magkaroon ng ka date sa valentines pero wala eh, lagi nalang sablay at laging zero. Ano kaya ang feeling na mabigyan ng bulaklak? Oo, aaminin ko na rin never pa akong nabigyan ng bulaklak sa tanang buhay ko, eh sa wala eh paki n’yo?

Kakainggit nga ‘yung mga taong may kaholding hands at kilig na kilig, sarap hambalusin ng puno ng niyog; mga malalandi. Okay, hindi na ako iikot sa kanto at alam kong kanina pa kayo atat marinig o sige mabasa ang storya ko nung valentines day. Nagmamadali? May pupuntahan?

Friendship ko si Jez (totoong pangalan niya ‘yan asa kayong papalitan ko), two years na pero mga once a month lang naman kami nagkikita. Sa dalawang taon na ‘yan nakadalawang gelpren na rin siya at ako siyempre zero, asa pang magkakaboyfriend. Sa loob ng dalawang taon ramdam ko naman na may pagtingin siya sa akin dahil hindi naman ako manhid! Nagmamanhid-manhidan lang. Ayoko namang mag-assume dahil sa totoo lang wala naman akong pagtingin sa kanya at hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong maibibigay.

So, nung feb 13 bago ang valentines day ay inaya niya akong magdate. May trabaho kasi siya nang mismong araw ng valentines kaya maaga daw naming icecelebrate iyon. Pumayag ako dahil wala naman akong gagawin at saka wala lang naman sa akin ‘yun. At saka ulit, may gelpren naman siya pero magkalayo lang sila. At the same time, nagkakalabuan daw sila. Masaya nga ako nang malaman na may jowa na siya kasi para mawala yung atensiyon niya sa’kin. Hinintay ko siya, ang tagal niya namuti na ang mata ko sa kahihintay. Pero s’yempre dumating siya alangan namang hindi takot niya lang. Hindi ko lang ineexpect yung binigyan niya ako ng flowers at teddy bear. Tumawa ako hindi dahil kinilig, kundi dahil nahiya ako. Yun pala ang feeling pag hindi yung gusto mo ang nagbigay sa’yo ng ganun no? Sa huli siya pa ang pinagbitbit ko ng binigay niya. hahaha Pero pilit niya pa ring pinadadala sa akin. Bitbit ko nga pero parang diring-diri ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Hindi ko ineexpect na sa kanya manggaling ang unang bulaklak. Pero dahil mabait ako (kunwari) ay sinakyan ko nalang siya, i mean parang wala lang sa akin yun. Kumain kami tapos nagyaya na akong umuwi pagkatapos nun. Nagpalibre lang talaga ako, PG kasi. Hanggang makauwi kami wala pa rin siyang sinasabi sa akin na kung ano. Hinayaan ko nalang, kunsabagay magiging awkward lang yun kung sakali.

Napaisip ako, ganun pala kung hindi mo gusto at wala kang gusto sa isang tao no? Yun din siguro ang nararamdaman ng taong gusto ko. Pero bakit hindi nalang na sana yung taong gusto natin gusto rin tayo, vice versa? Meron namang nangyayaring ganun pero maswete ka pag sa’yo nangyari. Hindi naman ako nagrereklamo na hanggang ngayon single ako paki ko d’yan?

Oo, tayong mga babae umaasa parati tayo sa maganda at unique na love story na mangyayari sa ating buhay. Ang makahanap ng prinsipeng magmamahal ng tapat sa atin. Yun kasi ang problema sa atin, masyado tayong nadala sa mga napapanuod natin at nababasa natin tungkol sa mga fairytale na ‘yan. Kaya pagdating sa totoong buhay talagang may standards tayo sa pagpili ng taong mamahalin natin. Pero pagpinana ka naman ni kupido, bull eyes! Wala ka rin namang magagawa kahit hindi pa siya pasok sa standards mo dahil siya ang gusto mo ay pwede na. Pero sabi nga nila ‘why settle for less if you deserve the best?”, oh siya akin akin lang yang sabi-sabi na ‘yan. Maniwala nalang kasi kayo.

So nung valentines day nag emo nalang ako. Di ako lumabas dahil baka makakita lang akon ng mga taong magiging dahilan ng pagkabadtrip ko sa buhay. hehe joke lang paki ko ulit sa kanila. Ginreet ko nalang ang mga mahal ko sa buhay ng happy valentines at happy na ako dun. Mas gugutuhin ko nalang na icelebrate iyon kasama ang pamilya ko dahil iyon naman ang diwa, ang pagmamahalan. Bahala na si kupido na magpagala-gala at pumana ng mga puso. Basta ako happy ako at dapat maging happy din kayo.

Sa huli… valentines lang ‘yan, once a year lang ‘yan. Dadaanan ka lang ng isang araw at tapos na ‘yan. Kaya tahan na, malay mo nextyear may kavalentines ka na. Cheers!

#BELIEVE

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s