Valentines Day

thetrendynurse.blogspot.com

thetrendynurse.blogspot.com

Dahil mag va-valentines day na, tungkol sa valentines day muna ang ipopost ko. Pahinga muna ako sa ’emo mode’ ko.

2 days before Valentines day, alam ko excited na ang mga mag lovers dahil nga ito ang special day nila. Tumapat pa sa Friday which is THANKS-GOD-ITS-FRIDAY. Habang ang mga single naman Feb 14 is FRIDAY right? 

Pero dahil cheesy ako ngayon, etchapwera muna natin ang mga Single doon muna tayo sa may mga date this Valentines day.

History

Nanggaling ang salitang Valentines kay Valentinus, isang santo noong unang panahon. Maraming mga istoryang kumalat tungkol dito ang nagpasalin-salin sa iba’t-ibang bersyon. Ayon sa hagiographical si St Valentines ng Roma ay nakulong sa kasalanang pag papakasal sa mga sundalong ipinagbabawal ng naturang estado at ang mga kristiyanong inuusig ng batas ng Romanya. Sa gitna ng pagkakulong ni St Valentines ay pinagaling niya ang isang anak ng bilanggo na si Asterius.  Ayon sa mga kwentong nagpasalin-salin, bago siya mawala ay nag-iwan siya ng isang sulat ng pamamaalam na pinamagatang “Your Valentine”. Dahil dito ang petsa ng ika-labing-apat ng Perbrero ay ipinangalan sa kanya.

Ngayong Panahon

Ang February 14 ang nagsisimbulo ng araw ng pagmamahal sa kasalukuyan. Hindi maikakailang naging bahagi na rin ng buhay natin ang pagdiwang sa araw na ito. Ipinagdiriwang ng mga magsing-irog ang araw na ito na tanda ng kanilang pagmamahalan. Kasama sa pagdiriwang ang pagbibigay ng regalo, pagpunta sa mgagandang restaurant, panunuod ng sine at pagbabakasyon sa ibang lugar. Hindi mawawala ang pagbibigay ng bulaklak at tsokolate sa pagdiriwang na ito.

wallpaperpassion.com

wallpaperpassion.com

Pero kung single ka, maari mo rin namang ipagdiwang kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ang araw ng mga puso ay hindi lamang para sa magsing-irog, nagpapaalala rin ito ng pagmamahalan natin sa bawat isa.

Pero hindi rin maikakailang na madadawit talaga sa bl0g ko na ito ang mga SINGLE (tawang malademonyo). Sa araw na ito para ka ring sinampal ng kaliwa’t-kanan na bakit wala kang bf/gf sa araw na ito. Pakiramdam mo nasa iyo lahat nakatingin ang mga kaibigan mo na nagsasabing : Kawawa ka naman!

Pero may tips ako para makaiwas ka, dali hinga muna ng malalim.

1) Magtago sa bahay sa feb 14, malas lumabas dahil alam mo na.

2) Kung magyaya ang mga ka officemates o mga kaibigan mong lumabas sabihing may gagawin ka pa o may sakit ka. Alam mo na ‘yan! Magiging chaperon ka lang sa date ng jowa nila.

3) Wag mag-log in sa mga social media sites lalong-lalo na sa Facebook. Kung maaari lang iwasan ang paggamit ng computer, laptop, cellphone, tablet, capsule, pager o kung ano pang devices na may kinalaman sa social media sites.

4) Iwasan ang manuod ng tv o makinig sa radyo. Alam mo na rin yun!

5) Matulog ng maaga! Paggising mo Feb 15 na o di ayos.

9gag

9gag

Ito ka eh.

Ito naman ang tips kung talagang gusto mo lang mangtrip ngayong Valentines day. (Nakuha ko lang ‘to sa mga post)

Tips Para sa Single at Bitter this Valentines Day:

1. Batuhin ng maliliit na bato ang bawat couple na dumaan sa harap mo.

2. Magparinig sa mga couple na dumadaan na WALANG FOREVER at MAGHIHIWALAY DIN SILA.

3. Mag absent at magkulong sa bahay.

4. Tingnan ng masama ang bawat couple sa paligid mo.

5. Lumapit sa isang couple at biglang sabihan “ito ba ang pinalit mo sakin? Magsama kayo mga pangit!”

6. Bumili ng flowers at ibigay sa kakilala mo na may bf/gf, lagyan ng note na “Happy monthsary I love you Babe” para mag away sila.

7. Bumili ng bulaklak, magpapicture kasama ito at ipost sa FB na may caption ” from my Secret Admirer, thank you so much for this”.

8. Magsuot ng couple shirt para di halata na single ka.

9. Gumawa ng FREE HUGS sign at maglibot sa kalsada malay mo may manghingi ng # mo.

10. Shot. Yayain ang mga kaibigang single. Celebrate ang Independence day!

O hayan, ‘wag ng maging bitter ngayong Valentines day isipin mo nalang isang araw lang naman ‘yan, ‘di ka naman mamatay sa araw na ‘yan. Sabihin mo nalang “WHO CARES” haha.

Padalhan mo nalang ng mensahe ang pamilya at kaibigan mo saying ‘i love you’ this Valentines day. Ang importante buhay tayo at masaya kahit SINGLE!

Happy Valentines Day everyone!

Cheers!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s