The Frog Prince and the Journey to Frog Palace

552668_425328944246455_1976623362_aMagtothrowback muna ako ng aking blog..

Ang susunod na kuwento ay hango sa green-minded, este, imahinasyon ng Author. Kuwentong pambata, pero pang matanda ang tema. Sana magbigay aral, ngiti at kilig sa inyong mambabasa. At sana huwag seryusohin dahil hindi seryoso ang Author; talagang baliw lang ito. hehehe

Naglalakad ako sa kasukalan ng kagubatan, nagne-nature tripping kasi ako at take note : MAG-ISA. Ang sarap lang kasi tingnan ang mga nagbeberdehang halaman at mga puno ; nakawawala ng stress. Nature lover talaga ako at ang pagkuha ng mga larawan ang aking hobby. Naks! maka hobby eh.

Pag wala akong trabaho kahit saan nalang ako magpunta para kumuha ng mga larawan. Sunset, sunrise, sunburn!hehehe

Patingin-tingin ako sa aking paligid, naku! Naliligaw na yata ako. Hindi ko na matandaan ang daan pabalik, maraming paliko-liko at masyado kasi akong nadala sa kagandahan ng paligid kaya hindi ko napapansin napapalayo na pala ako.

Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang kaliwa ko. Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang para tingnan kung sino ang lapastangang taong iyon (lapastangan pa talaga e no?).

Nakita ko ang nakatalikod na tao, pero tao ba ‘yun? Para kasing berde ang kulay, o na-adjust na ang mata ko sa green scenery dito sa forest na ito?

“Ahmmm.. excuse me, puwedeng magtanong?” sabi ko sa nakatalikod na tao/I-dont-know thing.

Humarap ito sa akin, owww! Isa palang Palaka; correction isang pangit na Palaka.haha.  Parang gusto kong bumunghalit ng tawa. Kokak! Pero katawang tao ito, talagang mukha lang niya ang palaka.

Napaismid ako.

“So tutunganga ka lang diyan?” pukaw ko sa natulala niyang diwa. Napakislot naman siya. Ito pa ang may ganang matulala.

“Hindi ka natatakot sa akin?” tanong nito.

Nameywang ako “Hindi! at bakit ako matatakot sa ’yo e araw-araw kitang nakikita kung saan man ako magpunta. Saka sa itsura mo ba naman na ‘yan? Ang pangit. hahaha” at napakapit pa ako sa tiyan ko sa katatawa.

“Makapanlait ka naman; akala mo’y maganda ka!” singhal nito sa akin.

Hah! Hindi ako maganda? Pero bakit sabi ng nanay ko maganda ako? O talagang uto-uto lang ako? hehehe

“Hoy.. excuse me ginawa akong Muse sa aming baranggay team noon sa basketball no, kaya maganda ako sa aming lugar” nag-project pa ako.hahaha “At ikaw,” duro ko rito “Bumalik ka na sa pinanggalingan mo bago pa kita masaktan.”

“Isa akong prinsipe sa aking kaharian at naghahanap ako ng magiging prinsesa ko,” at tumingin sa akin nang makahulugan.

“Prinsesa? Hahaha  Sino kayang magkakamali sa ‘yo e ang pangit pangit mo?” buhat doon ay tiningnan ako nang masakit.

“Hoy!  Marami ang nagkakandarapa sa akin sa kaharian namin!”  Nagsisigawan na kami. Putcha.

“Eh ‘di doon ka maghanap!” ismid ko.

Ngumiti ito nang makahulugan “May nakita na ako.”

“Hoy!!! Kung iniisip mo ako ang gagawin mong prinsesa, aba’y nagkakamali ka!. Hindi dahil prinsipe ka e magkandarapa na ako sa ’yo. May taste ako pagdating sa mga lalaki no! At hindi ikaw ang type ko!” talak ko dito.

Umismid ito “Parang mas palaka pa ang ugali mo kaysa sa akin ah, tingnan mo naman kung maka-kokak ka,” saka ito tumawa.

Nainis ako bigla “Bahala ka na nga sa buhay mo kung ayaw mo akong tulungan, e ‘di wag!” at umalis na, baka mamaya gawin din ako nitong palaka.  Ayoko nga; sayang ang beauty ko.

Pero bago pa ako nakalayo ay may biglang humatak sa braso ko at pakaladkad na hinila ako. 

“Ahhhhhhhhhhhh..” at tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko ang likod ng palakang pangit. “Bitawan mo akoooooooooooooooo!” sigaw ko.

Pero parang bingi yata ito dahil hindi man lang ito tumingin sa akin. Nakita ko na lang na pumasok kami sa isang puno. At pagdating namin sa loob. “Woowww!” palatak ko. Nakakita lang ng magandang bahay e nakalimutan na ang mga nangyari.hehe   Para siyang bahay ni Hobbit, kasi mahilig ako sa magagandang bahay.

Bigla akong napatingin sa pangit na palaka. “Anong gagawin mo sa akin?” kunwari natakot ako “Ikukulong mo ako dito? Gagawin mo ba akong Sex slave? maawa ka!” effective ba ang drama ko? hehehe

“Tssseee! kung ikaw lang naman, ‘wag na!   Maraming magagandang nilalang doon sa aming kaharian.”

Makasabi naman ito; parang kay guwapo niya at umismid ako. “So, bakit mo ako dinala dito? At teka hindi pa ito ang kaharian n’yo? At balak mo talaga akong dalhin doon?” napahindik ako.

Ngumisi lang ito, ngising palaka…

Kapangit!!! sigaw ng isip ko. Oh my God! ano na’ng gagawin ko?

++++

“Teka nga kanina pa tayo lakad nang lakad napapagod na ako, parang awa mo na!” eksaherada kong sabi.

“Wala pa ngang dalawang kilometro ang nilakad natin napapagod ka na?” angil nito sa akin.

Oo, sumunod ako sa gusto niya dahil sabi niya papatayin niya raw ang pamilya ko pag hindi ko ginawa ang gusto niya, pero siyempre hindi ‘yun totoo gawa-gawa ko lang iyon para matakot din kayo. Basta napasunod na lang ako sa hayop na ‘to, baka minagic-spell ako. Asus, parang tatalab pa sa akin ‘yang ganyang magic.

Umismid ako, bakit puro na lang ismid ang ginagawa namin?. “Eh kasi palaka ka, ako tao,, kaya napapagod kami”.

Nakita ko ang tungkod nitong parang kahoy.

 “Matanda ka na ba? Bakit may tungkod ka?” Tsss. oo na ako na ang maraming tanong eh napansin ko eh.

”Wala ka na bang ibang nakikita, Victoria?” at tiningnan ako nang masama.

Nagtaka ako kung bakit niya alam ang pangalan ko. Ahem! Ako nga pala si Victoria, bente-sais anyos, babae, walang asawa at walang anak (sana sinabi ko na lang Single, diba?) Nakatira sa barangay

Dimaumay, Philippines. Mabuhay! At nakataas pa ang kamay ko.

“Tapos ka na?” patuyang sabi ng Palaka. Ako naman ang tumingin sa kanya ng masama.

“Paano mo alam ang pangalan ko?” paangil ko.

“Tingnan mo ‘yang damit mo may nametag pang nakasabit”.

Tiningnan ko naman ang damit ko at natampal ko ang noo ko. Oo nga, nilagay ko pa ang nametag ko sa trabaho para in case na mawala ako o mamatay o masunog o makidnap at may makakita sa akin pwede nilang igoogle ang pangalan ko at presto tatawag na sila sa bahay. Nilagay ko kasi sa google ang profile ko at baka may maghanap.hehehe

Nauna na ito, parang naiinis pa sa akin. May narinig akong kaluskos sa likod ko at bigla ang kaba ko “Hoyyy! Lolong Palaka hintayin mo ‘ko!” sigaw ko sa kanya.

Naabutan ko siyang may kausap.

“Pauwi na ba kayo mahal na prinsipe?” narinig ko, hindi ko makita dahil natatabunan ito ni Palaka.

“Oo, saan ka papunta niyan?”

“Naglalaro lang dito.hehehe”

Hello! may kasama kayo dito, andito ako. Sarap isigaw, nakakainis na talaga itong Palaka na ‘to. Eh bakit kasi sumasama pa ako dito? Pwede namang huwag na o kaya takbuhan ko ito. Pero kasi na curious ako sa sinasabi nitong kaharian. Pareho rin kaya ito sa mga nababasa ko sa tv at napapanood ko sa libro? Pero teka, baliktad yata ang sinabi ko.hehe

Tsk! napakamot ako sa ulo. Naghintay pa ako ng mga 100hours, bago nila ako napansin.

At buhat doon nakita ko ang kausap ni Palaka dahil tiningnan ako. Yikes! isang rabbit pala. Ah! matabang rabbit. Parang bubunghalit din ako ng tawa, bakit puro nalang nagsasalitang hayop ang nakikita ko dito?

Na-invade na ba ng mga talking-animals ang earth? O baka high lang ako at kung ano-anong nakikita ko? Tssssssssssss.

“Siya ba ang magiging prinsesa mo?” tanong ng Rabbit sa Palaka at napatingin ako ulit sa kanya. At dahil sa narinig ko napaismid ako, ako magiging Prinsesa ng pangit na Prinsipeng ito? No way! Hi way!

“Labag man sa kalooban ko pero, oo” drama ng Palakang pangit.

Aba anong sabi? Labag? Kahit ako labag din sa kalooban ko, at sino ba ang basta-bastang humihila sa akin papunta rito? Tsk! hilahin ko kaya ang bunganga nito para mas lalong lalaki? o tadyakan ko kaya?

“Hello” ngisi ng rabbit. Ngumiti lang ako.

“Maganda ka sana…” nangiti ulit ako dahil sa sinabi niya “kaso…. mata… mataba ka lang” saka ngumisi sa akin.

Nawala ang kaninang matamis na ngiti sa labi ko. Napalitan ng galit. “Anong sabi mo?” inis kong sabi.

Tumakbo ito habang malakas na tumawa. Nakita ko sa sulok ng mata ko na tumawa rin ang pangit na palaka.

Tumakbo rin ako “Hoyyy! bumalik ka rito Rabbit! Mas mataba ka sa akin!!!!!!!!” sigaw ko. At hindi ko na siya nakita. Pero takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa..

“Ahhhhhhhhhh!” bigla nalang akong nasa itaas ng puno habang nakakulong sa isang parang net. Naka hang ako dito sa ibabaw. Bwisit! Pag minamalas ka nga naman.

Nakita ko sa baba ang Palaka, tawa ng tawa. “Hoy Palakang Pangit! tulungan mo ako dito” sigaw ko.

Tumingala naman siya at kunwaring nagulat “Ohh, nandiyan ka pala?”.

“Hindi, hindi ako ito. Kaluluwa ko ang nandito. Baka nandoon ako” at tinuro ang kakahuyan.

Patuyang ngumiti ito “Bahala ka sa buhay mo” at umalis.

Seriously? nagulat ako at nagpanic, iiwan niya talaga ako? Nang nag-iisa? at nandito sa itaas? Paano kung.. Tsk! Pag nakawala ako dito lintek lang ang walang ganti Palaka ka. Nakarinig ako ng kaluskos sa itaas at nakita ko ang pagkalaki-laking unggoy. Namilog ang mga mata ko. Is that Kingkong? Nakangiti ito sa akin habang naglalaway. Oh no! Ayoko pang mamatay at ayokong maging food ng isang uranggutan! never! At bigla na lang akong nawalan ng malay…

++++

Iminulat ko ang mga mata ko. Bakit ang dilim? Parang wala akong nakikita. Bulag na ba ako?

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh, bulag na akoooooooooo!” sigaw ko.

“OA!” narinig kong may nagsalita sa gilid ko at nang tingnan ko ay ang nakatalikod na si Palaka ang nakita paningin ko habang nakaupo sa harapan ng apoy. Bakit kanina madilim? Pero ngayon unti-unti nang nagliliwanag dahil sa apoy. Gabi na pala, huminga ako ng malalim at biglang na pa kapit sa ulo ko dahil kumirot ito bigla.

“Kumain ka na” tiningnan ko ulit ang nagsalita pero hindi manlang tumitingin sa akin. Hmp! hambog! Saka hindi ako kanina tinulungan, at buhat doon ay bumalik ang diwa ko kanina at napahindik ako. Yung unggoy! oo! nasaan na kaya ‘yun?

Tsk! bakit ko poproblemahin ‘yun e wala na nga! Tumayo na ako at pumunta sa gawi ni Palaka. Parang may iniihaw ito base na rin sa nakikita ko. Ano ‘yan? ngumiwi ako ng mapagtanto ko kung ano ‘yun.

Napasinghap ako.

Langaw!!!

“Anoooo? papakainin mo ako ng langaw? Yak! kadirdir! baka dumapo pa ‘yan kanina sa tae ng kalabaw o worst ng tao!” hindi talaga maipinta ang mukha ko dahil sa naisip.

Lumingon siya ng marahas “E di kung ayaw mo ‘wag kang kumain!” at ibinalik ang paningin sa apoy.

“Suplado!” bulong ko. Tumayo na ako at naghanap ng makakain. Madilim pa naman, mangiyak-ngiyak na ako dahil sa gutom. At doon nakakita ako ng isang mesa ng fried chicken, spaghetti, salad, sinigang na hipon, piniritong isda at cake na 20inches. Naglaway ang Author.hehe. Pero syempre joke lang ‘yun, saan ka ba makakakita ng ganung pagkain sa gitna ng kagubatan? Badtrip! Kumukulo na ang sikmura kooooooooooooo!

Bigla nalang may tumakip sa bibig ko. Nagwawala ako sa sobrang takot. Pero binubuhat lang ako nito ng bigla nito akong bitawan dahil natumba. Hintakutan kong tiningnan ang natumbang tao/bagay/hayop at nakita ko ang isang baboy? Pero baboy nga ba? Eh bakit may kamay at paa? Pero mukha niya baboy.

Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko si Palaka. Mga pamilya ng taong-hayop. Pweee! Aalis na sana ako ngunit may humila sa paa ko at napasubsob ako sa lupa. Ouchhh! ang sakit nun. Hila pa rin ako sa paa ng kung sinong ‘yun at bigla nitong nabitwan ang paa ko. At naramdaman ko nalang na tahimik na.

Nakadapa pa rin ako sa lupa at nakiramdam sa paligid.

Biglang may bagay na dumotdot sa p’wet ko. “Hoy, tumayo ka na diyan” tawag sa akin. Agad naman akong naupo at nakita ko ang nakangising mukha ng Palaka na ‘yun.

“Ang lambot pala ng p’wet mo” at saka tumawa ng nakakaloko. Nainis ako bigla, tumingin-tingin ako sa paligid ko at nakita ko ang isang sanga ng kahoy at agad kinuha at hinampas sa walang hiyang palaka na ‘yun.

Agad naman itong nakaiwas at tumakbo kaya habulan kami. Ako rin ang sumuko dahil mabilis itong tumakbo. Napagod yata ako kaya mas nagutom pa ako. Umupo na ako sa damuhan at naramdaman ko nalang na naupo na rin si Palaka sa tabi ko.

“Tara, kumain na tayo alam kong nagugutom ka na”.

Sisinghalan ko sana ito pero pagtingin ko ay nakita kong seryoso ito at parang nag-aalala ang mukha. Bigla nitong hinila ang kamay ko kaya magkahawak-kamay kaming naglalakad.

Nakarating kami sa harap ng apoy at nakita ko ang nakalagay doon. Hindi na langaw kundi parang karne. Kinuha ko agad ito at sinunggaban ng kain.Bahala na basta nagugutom na ako. “Ano ‘to?”

Tumingin ako sa kanya habang ngumunguya na parang patay gutom,ng walang marinig na sagot at nakita ko siyang parang pinipigilan ang tawa. Umismid ako. “Ano na namang kalokohan ito Palakang pangit?”.

lumunok muna ako.

Pero ang kaninang pigil na tawa ay naging totoong tawa na “Yan ‘yung baboy slash tao kanina”.

At buhat sa narinig ay bigla kong naibuga ang kinakain ko. Walangyang palaka! pinakain ako ng tao slash hayop! Baka maging aswang ako nito. huhuhu. Mapapatay kitang palaka ka pag ganun.

Sasakalin ko sana siya ng maging seryuso na naman ang mukha. “Joke lang ito naman, manok ‘yan na nadakip ko kanina sa lawa” saka naupo “Kumain ka na”. Pero tiningnan ko lang ito ng masakit. “Swear, it’s chicken, I’m not bluffing you..okay?”.

Pinahiran ko ang dugo sa ilong ko, naks naman englisero na pala ang mga palaka ngayon? hahaha

“Sort of!” narinig kong sabi niya. Natigilan ako, nababasa ba niya ang naiisip ko?

“Oo, tingnan mo oh” at tinuro ang itaas ng ulo ko. Napatingin naman ako at nakita kong may nakasulat doon. “Walangya! bakit nababasa mo ang naiisip ko?” saka inerase ang mga letters sa itaas ng ulo ko gamit ang kamay ko.

“S’yempre hayop kami, tao kayo kaya hindi tayo bagay hahaha” Ano daw? natigilan ako. At anong konek sa sinabi ko sa sinabi niya? Ang gulo namin. Leche!

Bago pa maubos ang pasensiya ko sa palakang ito ay nilantakan ko na ang manok daw! Hmmmp, sarap! kung manok ka nga talaga.

++++

Ilang araw na kaming nagpalakad-lakad sa kagubatan, minsan dumadaan kami sa deserto, minsan naman sa bundok na may snow. Hay, kaya ko naman eh. Adventure ‘to para sa akin.

“Palakang pangit, kelan pa tayo makakarating sa inyo?” hiyaw ko. Imagine, wala kaming dalang pagkain pero nabuhay kami. It’s a miracle. hehehe Marami rin naman pagkain sa daan katulad ng mga prutas, gulay, damo. Huh? Nagiging hayop na ba ako?

“Malapit na mahal na prinsesa” saka patuyang ngumiti sa akin.

“Heh! prinsesa mong mukha mo!”.

Mag gagabi na kaya naghahanap na naman kami ng aming masisilungan. Buti pa ang Palakang ‘yan kahit sa ilalim ng dahon okay na sa kanya. Dadaan na naman kami sa isang sapa. Nakita kong kumuha ng malaking dahon si Palaka, malaki talaga o lumiit ako at naging higante ang mga dahon at mga puno?

Tara na” nakita kong nakasakay na sa dahon si Palaka.

“Anoooooo? pasasakayin mo ako diyan? Paano kung mahulog ako. huhu” OA na kung OA basta ayoko.

“Nandito naman ako, hindi kita pababayan” bakit sa tuwing magsasalita si Palaka nagpapatianod na lang ako? O talagang may magic talaga na nagpapasunod sa akin sa kanya?

Tinaas niya ang kamay para tulungan akong makaakyat sa dahon.

“Ayyyyyy!” sigaw ko ng nasa dahon na kami at gumiwang-giwang ito. Naupo kami sa dahon pero niyakap ako ni Palaka. Natigilan ako, ang lapit-lapit kasi namin. Oh, no! ‘wag sa palaka Victoria parang awa mo na!

sigaw ng OA kong isip. As if naman papatulan ko ‘yan. Tiningnan ko ang itaas ng ulo ko baka kasi nababasa na naman ng palaka ang naiisip ko. Buti na lang walang nakasulat, huminga ako ng malalim.

“Alam mo, okay lang naman na magkagusto ka sa akin eh” napatingin ako bigla sa mukha ng Palaka.

Mahangin ba? parang hindi naman. at anong pinagsasabi niyang ma-inlab?

“Whaaaaaaaaaaat?” sigaw ko. “Ako maiinlab sa’yo? Never!”

“Late reaction!” sabat niya.

Ang sarap itulak sa sapa kung hindi lang talaga malalim eh.

Speaking of malalim may nakita kaming isda. Masarap sanang ihawin, lagyan ng kalamansi at toyo, swakto!

Naglalaway na naman ang author. Seriously, author bakit pag pagkain ang pinag-uusapan naglalaway ka?

kaya ka mataba eh.Hahaha (Readers, gusto n’yong ilunod ko si Victoria sa sapa?). Oh sige na magbebehave na ako, ‘to naman ‘di na mabiro. Saan na ba tayo? Ah, sa isda, sarap sanang hapunan kaya lang higanteng isda e. Hindi kaya pating ‘yan? Pero hindi eh ordinaryong isda lang (patawad walang alam ang Author ng pangalan ng isda.hehehe).

Papalapit na siya sa amin, napalunok ako. Kinalabit ko si Palaka. “Omg! it’s a big fishhhhhhhh”. Tumingin ako sa kanya at nakita kong matiim lang itong nakatingin.

“Maupo ka lang diyan” sabi niya sa akin. Tumayo siya at kinuha ang tungkod sabay hugot at nakita ko ang isang espada. Cool! Sabi ko nga eh may espada ang mga prinsipe. Naku, papalapit na sa amin ang isda.

“Pals!” tawag ko. Pals pa talaga eh.haha Eh sa trip ko ang tawag sa kanya na ‘yan eh. Saka kampi kami ng Author kahit anong gusto ko susundin niya. wahaha.

Naku, nakalimutan ko na palang may kaaway kaming isda. Ayun na nga papalapit na at pumikit na lang ako. Namulat ako ng maramdamang nakaupo na sa tabi ko si Palaka.

“Nasaan na ang palakang iyon?” galit kong  sabi.

Sinapak ako nito.huhu walangya talagang Palaka na ‘yan. “Wala na, ayun na patay na siya”.

Bigla ang paglingon ko. Hindi kaya ako magka stiff-neck sa ginawa ko? hehe Nakita ko na lang ang nakalutang na isda habang hindi gumagalaw. Kawawa naman!

Mabuti nalang nasa kabilang pampang na kami. Hay, salamat.

Lakad na naman kami, madilim na ang paligid at malamig pa. Napayakap ako sa sarili ko.

“Gamitin mo muna ‘to” alok niya sa akin ng Sweater niya.

Tiningnan ko siya ng masama. “Noong isang araw na nagyeyelo sa North Pole hindi mo pinagamit sa akin ‘yan, so ngayon papagamit mo? Anong drama mo?” singhal ko sa kanya, hampasin ko kaya siya ng puno ng niyog?

“Eh di kung ayaw….” hindi na nito natapos ang sasabihin, bigla ko nalang kasing hinablot iyon.

“Bwisit ka talagang palaka ka” sabi ko sa kanya at nauna na sa paglalakad. Nakarating kami sa medyo tagong lugar at nakakita ako ng kunting liwanag. At nung napagtanto kong isang bahay ay nabuhayan ako ng loob. Salamat po, makakatulog na ako nito ng mahimbing.

“Pals, look oh it’s a house!” pinangatawanan na talaga ang pagtawag ng Pals.

“Nakita ko, hindi naman ako bulag!” naku, pigilan n’yo ako baka masapak ko talaga ‘yang hayop na ‘yan.

Pero walang pumigil sa akin, sasapakin ko ba talaga? Wag na, bukas na lang tinatamad ako e.

Nasa harapan na kami ng bahay. Ang creepy naman parang lumang-luma na ito. Si Palaka na ang

pinagkatok ko.

Tok..

Tok..

Tok..

Walang may bumukas. Katok ulit.

Tok..Tok..

At biglang bumukas. Iniluwa niyon ang isang pagkaganda-gandang babae.

“Yes? what can I help you?” hinugot ko ang panyo sa bulsa ko at pinahiran ang dugo sa ilong ko. Yung totoo, englisero na ba ang mga character ng mga fantaserye? At hello, Victoria malay mo ang settings ay sa London, Scotland o England,o diba bonggacious.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Palaka “Pwede ba kami magpahinga dito kahit isang gabi lang?” nakita ko ang pagpapacute ng Palaka sa babae. Yaks, kala naman niya cute siya.

“Sure” at para ring nagpapacute ang babae. Ewww! Walang kataste-taste.

“Thank you, excuse me” sabi ko at nauna nang pumasok sa loob ng bahay niya. Para kasi akong masusuka sa paglalandian ng dalawa. Gross!

++++

Ang sarap-sarap ng tulog ko nang makarinig ako ng parang matinis na ingay. Iminulat ko ang mga mata ko at napakisap. Madilim ngunit may kaunting liwanag na nanggagaling sa labas dahil sa buwan. Tiningnan ko ang natutulog na si Palaka sa baba ng kama ko. Inilibot ko ang pangingin ko sa paligid, maliit lang na bahay iyon dalawa lang ang kwarto base na rin sa nakita ko sa labas. Kami ang nandito sa kabila at nanduon sa kabila ang magandang babae na nagngangalang Wina. Umismid ako, hindi naman maganda sa malapitan e (bitter).

Akala ko nga doon pa matutulog kanina si Palaka dahil parang makatitig parang huhubaran na ang Wina na ‘yun.

Lalong naging matinis ang ingay. Naupo ako sa kama, at nilapitan si Palaka. “Pals, may naririnig ka ba?” yugyog ko dito pero umungol lamang ito. “Palsss” mahinang tawag ko.

“Victoria, pahingahin mo naman ako, please?” saka tinakpan ng kumot ang buong katawan niya. Badtrip na hayop ‘to, lang pakinabang talaga!

Padabog akong tumayo at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Natatakot man pero lumabas pa rin ako.

Parang sa kwarto ng Wina na ‘yun nanggagaling ang ingay at nakikita kong may liwanag sa loob niyon.

Ingat na ingat ako sa paglalakad, sisilipin ko lang nacurious kasi ako. May nakita akong butas sa  dingding ng bahay sinilip ko iyon. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko, nanlamig ang buo kong katawan.

Si Wina..

Si Wina..

Nakaitim na suot pero hindi naman si Wina ‘yun, ewan ko kasi nakatalikod habang nakaharap sa mga kandilang nandoon. Magulo ang buhok at magulo ang kwarto. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. At nagulat ako sa nakita, parang gusto kong tumakbo at magtago.

Nanginig bigla ang buo kong katawan. Tumawa sa akin ang.. si… waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh.

Isang Witch! Pero bago pa ako maka da moves ay nabuksan na niya ang pinto at agad akong hinila sa loob.

“Palsssssssss, heeellllllllllppppppppppppppppp!” hindi ko alam kung narinig ng Palakang ‘yun eh ang sarap pa naman ng tulog nun. Nagtitili ako pero agad binusalan ang bibig ko.

“Hihihih” tawa ng Witch. Yikes, walang kataste-taste tumawa. Umismid ako.

“Bago pa kayo makarating sa Palasyo ay papatayin muna kita. Kontrabida ka e. Ako sana ang magiging prinsesa ng mga Palaka, pero dahil dumating ka nabulilyaso ang plano ko” nanlilisik pa ang mga mata nito.

Kala mo naman kagandahan, pa’no ka magiging prinsesa eh pangit ka? Kunsabagay, bagay nga kayo ng palakang iyon mga pangit!’ sarap isigaw dito.

Tumalikod ito at may kinuha. Napasinghap ako, isang espada. Humarap ulit ito sa akin at naglalaway ang bibig, yak. “Katapusan mo na, tao!” hihihi. At tinaas ang dalang espada sa akin.

Namilog ang mgta mata ko, pero bago pa niya ako nataga ay nawalan na ako ng malay.

Namulat ako dahil sa nasisilaw ako ng liwanag. Pero bakit parang idinuduyan ako? Nang mag-adjust na ang mata ko sa liwanag ay saka ko lang napagtantong nakasakay ako sa likod ni.. tiningnan ko ang mukha… aw.. pangit!

“Alam ko pangit ako pero ‘wag mo naman ipagsigawan sa akin araw-araw” naiinis na sabi nito.

Tumahimik na lang ako, ayoko nang makipag-argumento pagod ako. Teka, napahinto ako sa iniisip ng maalala ko ang nangyari kagabi. Ano nga ba ang nangyari? Langyang Author bakit kasi pag may away hinihimatay ako, hindi ko tuloy makita ang mga away. Mahilig pa naman ako sa mga pakikipagbakbakan.

Naubos na siguro  ang powers niya sa story niyang Angel-in-Disguise, na sumasakit na ang ulo niya kung paano niya tatapusin ang walang ka sense-sense niyang kwento. Hahaha Anyway, kung ano mang nangyari kagabi mananatiling lihim nalang ‘yun kay Palaka ang importante ligtas ako. Yun na ‘yun at wala na akong pakialam doon.

Natanaw namin ang isang Palasyo, agad akong bumaba.

“Wow, is that your Palace?”

Hindi, banyo namin ‘yan” pamilosopo niyang sagot. Inismiran ko ito.

“Pero yung totoo Pals bakit ako ang napili mong maging Prinsesa?” seryusong usapan na ‘to.

Nakita kong nagseryuso na rin siya “ayon sa banal na kasulatan” me ganun? Tiningnan ako ng masama “Dapat ang maging Prinsesa ay isang tao. Isang tao na makikita ko sa kagubatan ng Maguinda. 

Dahil ako ang tagapagmana ng korona ay sa akin iniatang ang responsibilidad na hanapin siya” tumingin sa akin ng matiim. “At kung hindi ko siya madadala sa takdang panahon which is 5 days from now ay mawawala ang kaharian namin” parang narinig ko ang lungkot sa tinig nito. Drama!

“Oo na, andito na nga ako diba? Pero pagkatapos nito makakabalik na ako diba?” panic ko.

Tumingin ito sa akin nang seryuso “Hindi! Magiging palaka ka rin” at tumawa nang malakas. Ay paksyet!

Namilog ang mga mata ko, hinampas ko siya, pero agad ng tumakbo.

“Hoy bumalik ka dito, ayokong maging palaka.huhuhu” iyak ko. Pero hindi na ito bumalik kaya sumunod na ako sa kanya. Ah! bahala na.

++++

Naglakad pa kami hanggang sa makarating na kami sa bukana ng Palasyo. Nakita kami ng mga tao at agad nagpanic.

“Ang Mahal na Prinsipe nagbalik na” sigaw ng isang lalaki. Narinig ko ang paghuni ng kampana. Wow, astig! Parang nakikita ko lang ‘to sa libro.hehehe

Bawat madaanan namin ay nagbibigay pugay sa amin at yumuyuko pa. Taas noo ako habang lumalakad.

Hay, ang sarap ng feeling pag ganito.

‘Mga alipin ihanda ang lalakaran ko’ hehe sarap sanang sabihin.

Tiningnan ko si Palaka pero nag smirk lang ito sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya ng todo. Hayyy, ang sarap maging Prinsesa. Nakarating kami sa gitna at nakita namin ang isang babae at lalaki na pawang may korona.

“Maligayang pagbabalik, anak” sabi ng lalaki. Huhulaan ko siya siguro ang Hari.

“Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving by Albert Einstein. Welcome back my baby boy” sabi ng babaeng may korona rin, siya siguro ang Reyna. Pero teka, bakit normal sila?

Infact, ang ganda ng Reyna at ang gwapo ng Hari. Tiningnan ko rin ang mga tao sa paligid ko, normal sila. E bakit si Palaka abnormal?hehe

“Ito ba ang Prinsesa, Ebamus?” tanong ng Hari na nakatingin sa akin.

“Opo, mahal na hari” tiningnan ko ang reaksiyon ni Palaka aka Ebamus, whatsoever pero parang ngumiwi pa ito sa pagkakasabi na ako ang Prinsesa.

Taas noo ako at lumapit sa hari “Ikinagagalak ko po kayong makilala, mahal na hari at yumukod ako” naks! ako na ang Prinsesa hahaha

“One of the most important keys to Success is having the discipline to do what you know you should do, even when you dont feel like doing it.” napatingin ako sa mahal na reyna. “Welcome sa kaharian namin, mahal na Prinsesa” at ito pa ang yumukod sa akin.

Nangiti naman ako hindi dahil sa yumukod ito kundi dahil sa mga quotes niya, yung totoo ginogoogle mo lang ‘yan no?

“Its hard to wait around for something you know might never happen; but its harder to give up when you know its everything you want.” balik ko dito. Bigla akong siniko ni Palaka, tiningnan ko naman ito ng masama.

“Maligayang pagdating sa Kaharian ng mga palaka, mahal na Prinsesa” narinig kong may nagsalita at ng makita ko iyon ay napasinghap ako. Isang lalaki, isang napakagwapong lalaki. Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan. Grabe ang ngiti ko hanggang tenga, hihimatayin yata ako sa kilig.

“Ahemmm” kahit kailan talaga kontrabida ‘tong palaka na ‘to, inismiran ko. “Siya nga pala si Marcus, half brother ko. Marcus si Victoria” pagpapakilala nito bumalik naman ulit ang ngiti ko kay Marcus.

“Hindi sinabi ni Pals este Ebamus na may GWAPO pala siyang kapatid.hehe” aba, pwede kay marcus na lang ako maging Prinsesa?

“Mawalang-galang na po sa inyong lahat magpapahinga na muna kami ng mahal na Prinsesa” at hinila ako ni Palaka. Badtrip! Kontrabida talaga. grrr sarap tuhugin sa chopstick at ipaulam sa mga aso.

Lumipas ang mga araw, 5 araw daw kasi ay magkakaroon na ng pagtitipon para hirangin na akong maging Prinsesa. Feel na feel ko naman, ofcourse minsan lang to no in my wildest dream. Pero nagtaka ako at hindi ko na nakita si Palaka, nasaan na kaya ang pangit na iyon.

Nasa veranda ako ngayon at tumatanaw sa malayo. Emo ang peg! hahaha

“Kung mahal mo talaga siya pakawalan mo, kung babalik ay para talaga siya sa’yo.” narinig kong may nagsalita. Napatingin ako sa gilid ko at ang mahal na Reyna pala at nakangiti sa akin. Amp! tinagalog lang ‘yung quotes na ano ba ‘yun? hindi ko na maalala eh.

“Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim pero masarap pa rin ang nasa ibabaw” hehe bawi ko dito. Napatingin naman sa akin ng may pagtataka, ay hindi na gets?

“Pinapasabi ni Ebamus na sa handaan na siya babalik, may inaasikaso lang kasi ang batang iyon”

Tumango lang ako, bakit parang malungkot ako dahil wala siya? Siguro wala lang akong kakulitan dito. Uh siya tama na ‘yang Emo mo Victoria.

“Kumain na tayo, Victoria” yakag sa akin ng mahal na Reyna.

Ayun kaya pala pinapahinto na ako sa pag-eemo ng Author kainan na naman pala. (Sorry, readers wala ng kasunod ang kwentong ito, at d’yan po nagtata–). Ito naman si Author ‘di na mabiro, “uh siya tara na mahal na reyna” at naglakad na kami.

Araw ng handaan, bonggacious talaga. Talagang ‘yung eksena ay makikita mo sa mga fairytail—teka fairytale pala. Bongga rin ang damit ko mukhang mamahalin pa. Dadalhin ko pag-uwi ko ibebenta ko,hehe ibibili ko ng pagkain ang patay-gutom kong author.hihihi Shhhh, busy pa siya kung anong kasunod nito.

Kinakabahan yata ako, siyempre magiging Prinsesa na ako. wahaha breast out, stomach in..chin-up! Ayun na, magsisimula na ang Programa. Pabalik-balik ako sa loob ng kwarto ko.

“Mahal na Prinsesa, tayo na po” sabi ng aking alipin. Siyempre may alipin ako no!

“Maayos na ba ang itsura ko?” panic ko.

Ngumiti ito “Napakaganda n’yo, mahal na Prinsesa” buhat sa narinig ay napahinga ako ng maluwag.

Nandito na kami sa gitna, nakatingin ako sa harapan ko. Maraming tao, marami talaga. Parang malula ako dahil sa siksikan ang mga tao para masaksihan lang ang paglagay ng korona sa ulo ko. Nagpalinga-linga ako bakit wala pa si Pals? Huwag niyang sabihin hindi siya aatend, sige si Marcus na lang ang magiging Prinsipe. Tiningnan ko si Marcus ang kisig nito sa suot. Nakatingin din pala ito sa akin at kumindat.

Nagblush siguro ako.

“Flirt!” narinig kong may bumulong sa akin. Nang tingnan ko ay napasinghap ako. Aba, makalaglag panty ang kagwapuhan ng kung sino mang nilalang na ito.

“Magsisimula na ang pagtitipong ito” narinig kong anunsyo.

“Ipinakilala ko sa inyo ang Prinsipe Ebamus” at yumuko ang nasa tabi ko. Napakisap ako ng ilang beses. “Ikaw? ikaw si .. si Palaka?” napautal pa ako. Ngumisi lang ito. Aba kay gwapong palaka.hehehe

“At ang Prinsesa Victoria” yuyukod na sana ako pero narinig na lang namin ang putukan at nagkakagulo na ang mga tao.

++++

Nagpanic ako, “Huwag kang aalis sa tabi ko” sabi ni Pals. Tumango naman ako. Mamaya ko na iisipin ang mukha nito. Hinila niya ako papasok sa isang kwarto. May narinig akong putok sa gilid at napasigaw ako.

Kaba at nginig ang nararamdaman ko. ‘O diyos ko ayoko pang mamatay, virgin pa ako e.hehe’ dasal ko.

Bigla nalang may pumalo kay Ebamus at napasigaw ako “Palsssssss”.

Natamaan siya sa braso pero agad bumawi. Kaya naglaban sila. Nasa gilid lang ako habang nanunuod.

Abot-abot ang kaba ko, huwag n’yong pababayaan si Ebamus.

Bigla nalang may tumakip sa bibig ko ‘Ebamussssssssss’ sigaw ng isip ko at ang huli kong nakita ay pinalo ng lalaki ang ulo ni Ebamus at nawalan din ito ng malay.

Nagising akong masakit ang ulo, nilibot ko ang paningin ko at nakia ko si Ebamus na nakatali ang dalawang kamay sa pader. Ako naman ay ganun din sa kabilang pader ako nakatali. Nakita ko ang unti-unting pag taas ng ulo nito. At nahintakutan ako dahil maraming dugo sa mukha niya. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa aking mga mata.

“Wag kang umiyak, alam mo bang pangit ka kapag umiiyak? At walang pangit na Prinsesa” narinig kong sabi niya. Nangiti naman ako sa narinig, kahit kelan talaga mapagbiro pa rin ito. Gusto ko siyang lapitan at hawakan ang sugatang mukha niya. Pero teka, napatigil ako bigla parang pamilyar ang mukha niya pero hindi ko na maalala. Nakalimutan ko na ba ang buhay ko sa kabilang mundo? Iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon.

Biglang bumukas ang pintuan sa gilid namin. At nabigla kaming dalawa ni Ebamus sa nakita.

“Sinasabi ko na nga bang traidor ka, Marcus” sigaw ni Ebamus. Ako rin hindi makapaniwala.

“Sa akin dapat ang korona Ebamus!” saka tumawa ito “at magiging akin na nga pag napatay na kita” at parang baliw na tumawa pa.

Nakita kong galit na galit si Ebamus.

“Dalhin na ang mga ‘yan” at kinuha ang aming tali saka dinala kami sa hindi namin alam na lugar. Sa daan magkaharap kami sa loob ng karwahe ni Ebamus sa gilid namin ay may nagbabantay. Nakatingin lamang siya sa akin ng matiim at walang ano-anu’y siniko niya ang sa gilid niya at sinipa ang sa gilid ko. Agad niyang hinila ang kamay ko at nagpagulong-gulong kami sa lupa. Agad siyang tumayo at hinila ako, tumakbo na kami pero narinig namin ang nakasunod na mga kalaban.

“Bilisan mo, Victoria” sabi sa akin ni Ebamus. Takbo lang kami hanggang sa makarating kami sa isang kweba. Pumasok kami doon at nakita namin ang isang parang salamin. Malaking salamin.

“Pumasok ka na doon Victoria bago pa sila dumating”

“Pero ano ‘yan?” tanong ko.

“Labasan sa mundo n’yo, sige na. Huwag mo na akong alalahanin kaya ko na ‘to” at nagpalinga-linga.

Alanganin ang paglakad ko papalapit sa salaming iyon pero agad akong lumingon kay Ebamus “Pero pa’no ka? Papatayin ka nila?” hindi ko alam pero biglang nagsipatakan ang luha sa aking mga mata. Agad lumapit sa akin si Ebamus at hinawakan ang balikat ko.

“Masaya na akong nakilala kita, Victoria” at pinahiran ang luha ko. “Tandaan mo ako lang ang magiging Prinsipe ng buhay mo” at ngumiti ito kahit alam kong naluluha na rin siya.

May narinig kaming paparating “Sige na” sabi niya.

“Pero….” tinulak ako nito. “Ebamusssssssssssssssssssssssss” sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng salamin.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh”

“Victoria! Victoria” may yumoyugyog sa akin at napamulat ako ng aking mga mata. Unang nakita ko ang kisame at nilibot ang paningin sa paligid. Kwarto ko ‘to ah!

“Ay naku Victoria, magmula ng dumating ka kahapon mula sa pag momountain-climbing mo sa bundok ng Maguinda naging ganyan kana” napakisap ako sa boses na narinig ko. Boses iyon ni Mama at tiningnan ko siya. So nandito na ako sa bahay?

Biglang bumukas ang pintuan at mabilis na pumasok ang isang lalaki.

“Bes, are you okay?”

“Ikaw na nga ang bahala sa kaibigan mo na ‘yan, Luke” at lumabas na ng kwarto si Mama. Naiwan akong tulala.

“Besss!” yugyog sa akin. Nang mapatingin ako sa mukha niya ay napasinghap ako.

“Ebamussss?” namutawi sa bibig ko. Kaya pala pamilyar ang mukha ni Ebamus dahil siya si Luke, ang bestfriend ko.

“Ebamus? Sino ‘yun?” takang tanong niya.

Sumakit bigla ang ulo ko at nalungkot “Wala”. Tumayo ako at pumunta sa bintana ng kwarto ko at malungkot na tumanaw sa kawalan. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Luke.

“Hey, what’s your problem?” saka inakbayan niya ako.

“Nothing!”

“You missed him!” hindi iyon tanong kundi pagkukumpirma. Agad ang pagbaling ng mukha ko sa kanya.

Nakatingin lang ito sa harapan nito.

“You missed Ebamus, right?” saka tumingin sa akin.

“How did you..you” hindi ko natapos ang sasabihin ko.

“I know because ako siya” napamulagat ako. Is this true? Paano?

“Hindi ko rin alam kung paano nangyari but lahat ng nangyari sa’yo ay nangyari rin sa akin” bigla ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tingin niyang iyon.

“Pero anong nangyari? Did they kill you?”

“Hey, andito ako buhay ako” saka tumawa “I let you go kasi ayokong makita mong mamamatay ako doon” saka nalungkot. “Yes, I died pero nakabalik ako.. nakabalik ako dahil sa..” at tumingin ng matiim sa akin. Parang nagblush yata ako “Because of you. Because I think I love you” napakisap ako maraming beses totoo ba ‘to? ang bestfriend ko for 10 years? Ang bestfriend na palihim kong minahal noon at hanggang ngayon ay may gusto rin sa akin?

Bigla itong tumawa “Joke! hahaha” nainis bigla ako “Sino ba naman ang magkakagusto sa’yo eh pangit ka!” kahit kelan talagang Luke na ‘to.

“Heh, bwisit ka!” sa tatalikod na sana pero bigla akong hinila. Okay na sana eh, ayun na sana.

“Hindi ka na mabiro” hindi ko na lam kung ano ang joke sa mga sinabi mo Luke.

“Eh kahit naman doon sa kabilang mundo binibiro mo ako e” at hindi na napigilan ang pagsigok kasabay ng paghikbi.

Pinatingin niya ako sa mata niya, nakita ko ang sinseridad sa mga mata nito “Okay, I surrender. Aamin na ako, yes I love you. Mula noon at hanggang ngayon. Hindi bilang bestfriend kundi bilang ikaw.” sapat na iyon para kumalma ang nagwawala kong puso.

Ayiiiii, kinikilig ang author. Wala kasing lablyf kaya wagas makahappy-ending iniimagine na siya si Victoria.hihi

(At pinatay ko na po si Victoria, si Victoriang malandi sa palaka.)

Hoy, grabe ka naman Author napaka bitter mo naman. Yaan mo na magkakahappy ending ka rin maghintay ka lang ‘Patience is a virtue’ hehehe

(Paki mo kung wala akong happy ending! Guys, nag regret talaga ako bakit ko ginawan ng story si

Victoria, promise!).

Sus naman ‘to, sige na maging happy ka na sa akin. Ayiiiiiiii…

Mabalik tayo sa story….

Ako na ang nag initiate na ikiss siya at take note: sa labi pa. Ayoko kayang mamatay nang Virgin pa.

hahaha atleast, happy ending,  ‘di ba? At gaya ng kuwento ng Palaka, I kissed him after those major major problems. hehehe

-The End-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s