SINGLE

Ang pag-ibig ay parang tsamba. Swerte ka pag nakahanap ka ng matino at hindi ka sasaktang babae/lalaki. Pero most of the time, doon tayo sa laging nasasaktang parte. Kesyo iniwan at pinagpalit sa iba. At pag iniwan ka ikaw naman itong tangang hahabol-habol.

Sa panahon ngayon, bihira na ang makakita tayo ng matinong relasyon o kung may nag-eexist pa pasalamat ka. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong mahanap agad nila ang para sa kanila. Minsan, tatambay ka muna sa Divisoria bago makarating sa Marikina. Makikilala mo muna si Aling Bebang na nagbebenta ng sapin-sapin sa kanto, o si junior na ang libangan ay pagsisinghot ng rugby pag dapit-hapon.

At pag nasa relasyon na tayo maraming katanungang bumabalot sa isipan natin. Siya na  ba? O baka may mas better pa sa kanya? At doon tayo ika nga na coconfuse. Doon tayo minamaligno ng sarili nating mapanglinlang isip. Okay, I need space- yun ang laging dahilan ng cool-off na eventually ay tutuloy sa break-up moment.

Pag single tayo, iba ang feeling eh. Yung malayang nagagawa ang gusto. Walang hassle, sabi nga nila. Ke makipaglandian ka sa kapitbahay mong mas malandi pa sa’yo. O makipag harotan ka sa bar buong magdamag, ayos lang ‘yun.

Pero ang pagiging single ay maganda lang sa simula, pag napagod ka na sa pakikipagharotan at landian sa kung kani-kanino lang ay hahangarin mo na sana may magmamahal naman sa’yo at mag-aalaga. Na pag masaya ka ay may masasabihan ka kung anong nararamdaman mo. Pag nalulungkot ka at may problema, may magsasabing okay lang ‘yan malalampasan mo rin ‘yan.

Naisip mo na sa bawat gabing kapiling mo ang FHM magazine sa ibabaw ng kama mo ay sana may kayakap ka rin sa gabing malamig. Na sa bawat upo mo sa loob ng sinehan ay may kaholding hands ka pag nangangatog ka sa lamig. Pag naglalakad ka sa daan ay may kaakbay ka o umaakbay sa’yo.

Pero naisip mo ba na milyong-milyong tao sa mundo may nakalaan para sa’yo? Titingin ka sa paligid mo, hahanap ka ng senyales para sa sarili mo, pero bakit hanggang ngayon wala pa rin? Napapailing ka na lang pag nakakakita ka ng mag jowang sweet-sweetan, at sana naidalangin mo na meron ka ring kaganyanan. Pero hindi naman bawal ang maghintay, diba? Hintay lang darating din siya, hindi man naaayon sa gusto mong panahon pero darating siya naaayon sa kagustuhan ng nasa itaas.

Senti ka muna ‘dre, o di kaya manghalo-halo ka muna sa karinderya ni Aling Tess malay mo doon mo makilala si Mr Right/ Ms Right mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s