Christmas (Pasko)

Pasko na naman, para sa inyo anong pumapasok sa isip n’yo pag nakaririnig kayo ng salitang pasko?

Maaring maiisip mo na: christmas tree, pagkain sa hapagkainan, simbang gabi, batang nag cacaroling, inaanak na namamasko atbp.

Masaya kung pasko lalo na kung kumpleto kayo sa noche-buena. Wala nang hihigit pa sa kasiyahan ang madarama basta’t nagkakaisa kayo. Pero paano na ang mga taong kamakailan lang ay inalipusta ni bagyong Yolanda? Magiging merry ba ang kanilang pasko? Magiging happy pa ba ang kanilang New Year?

Masakit isipin na darating ang pasko ngunit wala silang tahanan, at nawalan ng mga mahal sa buhay. Maaring kay lungkot ng pasko nila at bagong taon dahil kulang sila. Nakapanglalambot isipin na ang ilan ay matutulog na lamang sa pasko dahil wala silang maihanda sa hapag. Iiyak dahil wala ang ama, ina o kapatid dahil sa namatay na.

Marami ang tumulong pero di ba kulang pa rin? Dahil ang buhay ng tao ang mas mahalaga. Maaaring babangon sila muli pero paano ang mga taong iniwanan at nawalan ng mga mahal sa buhay? Hindi ko lubos maisiip kung ano ang magiging pasko para sa kanila. Pero alam kung kahit ano pa ‘yan, makakayanan pa rin natin ‘yan.

Ang pasko ay kapanganakan ng Jesus, at para sa atin panahon ng bagong pag-asa. Wag lang tayong mawalan ng pag-asa sa buhay, alam natin pagsubok lamang ‘yan. Darating ang panahong makakabangon tayo muli at haharapin ang susunod na pasko na may ngiti sa labi. Isipin natin na mas masaya na sila sa kabilang dako. At katulad din sa atin, nag cecelebrate din sila ng kapanganan ng ating Jesukristo.

christmas-tree-xmas-balls-decoration-photo

christmas-wallpaper-16

commons.wikimedia.org

jeff leatham

jeff leatham

nlinewallpapersstore-blogs

nlinewallpapersstore-blogs

Pero wala pa ring mas sasaya sa pasko sa Pinas, diba? Mahirap pero ang spirit ng Christmas mararamdaman mo talaga. Ang pagmamahalan at pagbibigayan ay nangingibabaw sa puso ng bawat-isa.

thebeehiveblog.net

thebeehiveblog.net

Christmas waves a magic wand over this world, and behold, everything is softer and more beautiful.
Norman Vincent Peale

Christmas is love in action. Every time we love, every time we give, it’s Christmas.

 

 

Advertisements

Christmas (Pasko)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s