Nostalgis

According to merriam-webster.com, nostalgia:

-pleasure and sadness that is caused by remembering something from the past and wishing that you could experience it again.

Kapag makakita ako ng mga bagay na nagpapaalala sa nakaraan ay nagiging sentimental ako. Yung feeling na parang ang lungkot, malungkot up to the extent na gusto mong bumalik sa nakaraang iyon. Parang ang sarap mapag-isa at balikan ang panahong naging masaya ka sa kung anumang nangyari. Pilit na binabalikan at pilit na inaalala ang mga pangyayaring alam mong imposible nang bumalik pa.

Katulad ng kantang “kanlungan”, nakakalungkot. Yung mas masarap at maganda ang buhay nung bata ka pa. Yung paglalaro lang ang iniisip mo kasama ang mga kaibigay mo. (hingang-malalim) ang sarap lang balikan ang mga panahong kasabay mong namitas ng bunga ng bayabas ang matalik mong kaibigan, naligo sa sapa at naglaro ng tagu-taguan.

Naalala rin kaya ng mga kaibigan mo ang mga panahong iyon? Namimis din kaya nila ang panahong nagkasama kayo? Sana no, at sana talaga ay maibabalik pa ang kahapon.

Pero, hindi man natin maibabalik ang panahon atleast may mga alaala tayong dadalhin hanggang sa pagtanda natin. Na ikikwento natin sa mga apo natin ang mga bagay na hindi nila naranasan ngayon.

Mas masarap pa rin ang buhay nung nakaraang panahon, diba?

Memory is a way of holding onto the things you love, the things you are, the things you never want to lose. ~From the television show The Wonder Years.

Advertisements

Nostalgia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s