Traveler

Gusto kong libutin ang mundo, ‘yung pumunta sa iba’t-ibang lugar, maramdaman ang iba’t-ibang panahon gaya ng tag-ulan, tag-araw, taglagas at tag-isnow.hehe alam n’yo na ang ibig kong sabihin. Pumunta sa hilaga pakanluran, timog at silangan. Mag-aral ng iba’t-ibang lenggwahe, mawala sa isang lugar at magtanong sa isang estranghero.

Diba nakakaexcite lang isipin ng ganun, parang kumbaga nag sosoul-searching ka na rin. Lumayo ka, sa malayong-malayo at doon mo mahahanap at makikilala ang ‘yung sarili, ika nga.

Gusto ko ring maranasan ang iba’t-ibang kultura ng ibang lugar. Doon mo lang maiintindihan ang kanilang saloobin at malalaman ang nilalaman ng kanilang puso’t-isipan.

Masayang maglakbay, pero s’yempre kailangan mo rin ang pera para pumunta sa ibang lugar. Pera ang nagpapagalaw sa tao, pilit man nating itatwa (ang lalim,whew!) pero ito ang katotohanan. Kung wala kang pera, wala ka ring kaibigan.. agree? Bakit lumililis na ako sa aking topic?hehehe

Bweno, ang paglalakbay ay hindi basta-basta lang, kailangan mo ring pagplanuhan para maging makabuluhan ang lahat ng pupuntahan mo. Minsan kasi sa panaginip mo nalang napupuntahan ang iyong gustong lugar. Sa panonood sa telebisyon at pagbabasa sa mga libro.

Kaya kailangan ng maiging pagpaplano, pwera lang kung naglayas ka at ayaw mo ng mga taong kilala ka. Gusto ko ring maranasan ang ganyan, ang mabuhay malayo sa taong nakakakilala sa’yo.

Sana balang araw mapuntahan ko rin ang mga lugar na sa panaginip ko lang napupuntahan. haaayyy 🙂

911433_4692918606949_1882341240_n

Advertisements

Traveler

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s