Ang gamot at ako

Tatlong taon na ring kasa-kasama ko ang gamot sa buhay ko. Siguro kung isa akong adik lulong na lulong na ako. Ang gamot kasi ang bumubuhay sa akin dahil sa sakit ko. Oo, may sakit ako; isang klase ng sakit na kukulungin ka habang-buhay sa mundo ng mga gamot.

Isa ako sa nabigyan ng sakit na Systemic Lupus Erythematosus (SLE). Isang panghabang-buhay na sakit. ( http://en.wikipedia.org/wiki/Systemic_lupus_erythematosus ).

Mahirap dahil sa pang-araw-araw mo na buhay ay kailangan mong uminom ng gamot. Ang gamot na siyang pipigil sa unti-unting paglamon sa’yo ng sakit na iyon.

Limang araw na palang hindi ko nainom ang gamot ko. Nagising akong masakit ang likod ko, masakit pag humihinga ako. Pumasok na ako sa trabaho ngunit ganon pa rin ang nararamdaman ko. Wala na kasi akong suplay ng prednisolone dahil naubos ko ng gamitin ang nasa prescription ko. Kailangan ko pang maghintay ng isang linggo bago ang check-up ko sa Doctor.

Kahapon naramdaman ko na naman ang sakit na dala ni karayom sa aking balat. Bloodtest bago ang check-up ko. Ewan ko, isa akong Nurse pero takot ako sa karayom, hindi sa takot na takot; ayoko lang na sa akin tutusok ang karayom.

Noon lagi kong nakakalimutan o talagang sinasadya kong kalimutan na hindi inumin ang gamot ko. Para kasing pinaparusahan ako ng langit dahil sa sakit ko. Okay lang naman kasi parang wala namang nangyayari pag hindi ko nainom pero paglipas ng ilang araw nararamdaman ko na ang pananakit ng katawan ko. At minsan pa nga naninigas ang kamay ko na hindi ko na magalaw dahil sa sakit.

Pero bakit ngayon, isang araw lang na hindi ako umiinom ng gamot ay umeepekto na agad ang sakit? Hindi sa takot ako kamatayan, at sino ang hindi takot, diba? Ang kapalaran mo ay nakasasalay rin sa’yo. Noon naisip ko handa na akong mamatay, handa na ako sa lahat. Inatake ako ng depresyon na nagtatagal ng ilang buwan. Yung depresyon na marami kang naiisip na masamang bagay sa sarili mo. Na bakit ka pa mabubuhay kung wala namang nagmamahal sa’yo?

Pero bakit ngayon hindi pa ako handa? O dahil ngayong tumatanda at nagiging mature na ang isip natin, naiisip natin na marami pa tayong magagawa sa buhay. Naiisip ko ang pamilya ko. Na kailangan kong mabuhay para sa kanila, na kailangan kong maabot ang mga pangarap ko na para sa kanila.

Naihanda ko na ang sarili ko na hindi na mag-aasawa. Iiwanan ko rin naman sila sa hinaharap. Hindi ko hahayaang may maiwanan akong nagdadalamhati, ayos na sa aking mag-isang tatanda, kung mararating ko pa ang oras na iyon.

Hindi ko sinasabi ito dahil wala na akong pag-asa sa buhay. Nakikita ko pa ang sarili ko sa hinaharap kasama ang pamilya ko. Malungkot man ako ngayon ngunit kuntento na ako sa sarili ko. Ang gagawin ko nalang ay aabutin ko ang pangarap ko na matagal ko ng hinahangad; hindi para sa akin kundi para sa PAMILYA ko.

Mahal na mahal ko sila.

Advertisements

Ang gamot at ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s