Paggunita

Sa loob ng halos labing-apat na taon ay sa’yo lang umiikot ang puso ko. Minsan natatawa nalang ako pag naiisip na sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sa’yo pa na alam kong hindi magiging akin kahit kailanman.

Ngunit mali pala ako, binigyan pa rin ako ng Panginoon ng pagkakataon na makasama at mahalin mo rin ako. Ngunit alam kong sa maling panahon, pero niyakap ko pa rin kahit mali ito. Bakit ko sasayangin ang pagkakataon kung ito na pala ang huli. Masaya ako sapagkat sinuklian mo rin ang pagmamahal na binigay ko kahit sa loob ng maikling panahon lang. Umaapaw ang saya sa puso dahil sa tuwing makikita ko ang mukha mo ay lalong nahuhulog ang puso ko. Maaaring kabaliwan nga ang nararamdaman ko sa’yo ngunit wala akong pakialam basta’t ang mahalaga mahal kita.

Ngunit alam kong lahat ay may hangganan at alam kong nang araw na iyon nang iniwan mo ako alam kong nasaktan ka rin. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para mabuhay ng wala ka. Siguro dahil baon ko pa rin ang pag-ibig na kahit konti ay binigay mo sa akin at masaya na ako doon.

Maaaring sa loob ng limang taon ay pinilit ko ang sarili kong kalimutan kita, sa loob ng limang taong itinanggi kong hindi ka na magging akin pa. Pero siguro sa loob ng ilang taon na ‘yan ay nililinlang ko lamang ang sarili ko at patuloy pa rin akong umaasa na sana balang araw magiging akin ka ulit.

Sinikil ko ang nararamdaman ko isang taon na ang nakakaraan dahil alam ko wala na talagang pag-asa ang puso ko. May nag mamay-ari na ng puso mo….

Kung sana maiibabalik ko lang panahong naging tayo ay sana naipaglaban ko ang pag-ibig natin. Pero wala akong karapatan ng mga panahong iyon, pero alam kong kaya ko. Siguro dahil na rin sa pag-ibig ko sa’yo kaya hinayaan ko nalang, may masasaktan at hindi ko gustong mangyari iyon.

Hindi ko alam kung hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa’yo. Pero isa ang tiyak ng puso ko, MAHAL NA MAHAL pa rin kita magpahanggang ngayon.

Maligayang kaarawan, bhe.

-11/21/86

by whiteangel

Advertisements

Paggunita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s