Si Paraluman

Totoo nga palang pag natagpuan mo na ang soulmate mo ay doon kana makukumpleto.

Pauwi ako noon galing sa eskwelahan, nakita kitang palakad-lakad at walang patutunguhan. Naawa naman ako sa’yo at dinala kita sa bahay. Dahil sa mabait din ang mga magulang ko ay hinayaan ka nilang tumira dito sa amin.

Ang saya ko noon syempre may ka buddy na ako. Ang saya mo rin, nakikita ko iyon kung paano mo ako titigan.

Dahil doon unti-unti kang napamahal sa akin. At alam kong mahal mo rin ang kumag na ito.

Ngunit minsan pag pupunta na ako sa eskwelahan ay alam kong maghihiwalay na naman tayo. Malapit lang kasi ang eskwelahan sa bahay kaya nilalakad ko lang ito. Ihahatid mo ako at hanggang doon ka lang sa gate namin. Tutungo ang ulo mo at papasayahin naman kita.

Originally posted: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/01/20/si-paraluman/

“Wag kang mag-alala Paraluman pagkatapos ng klase ko uuwi ako agad. Pramis!”, parang bata lang kung kausapin kita. Maya-maya magiging masigla kana at lalakad pauwi. Tinatanaw ko nalang ang bawat paghakbang mo at hindi ko mapigilang ngumiti.

Pagkatapos ng klase agad naman akong uuwi. Nakita kita sa labas ng gate namin na nakaabang na. Ang bait mo talaga, nakangiti ka pa habang masayang papalapit sa akin. Habang daan nagkukulitan lamang tayo. Ang saya lang natin pareho.

Pag maglalaro ako ng basketball sa plaza. Nanduon ka lang sa tabi nakaupo at pinapanuod ako. Para ka ngang Cheerer ko. Pag may chicks na aaligid sa akin, nakikita ko sa mga mata mo na nagseselos ka sa kanila. Pag uwi natin sa bahay agad naman kitang kikilitiin para maging okay ka na.

Masaya ako kung masaya ka. Lahat na yata ng ginawa ko nanduon ka, kasama kita kahit saan man ako magpunta.

Hindi ako umuwi pagkatapos ng klase ko ng araw na iyun. Niyaya kasi ako ng mga barkada ko na mag dota sa kabilang kalye. Paglabas ng gate nakita na kitang naghihintay sa akin. Hinayaan lang kita, ni hindi kita kinausap. Ni hindi ako lumingon sa’yo.

Nang nasa loob na kami ng Computer shop walang humpay ang hiyawan namin sa laro naming iyon. Ngunit bakit sa gitna ng aking laro ikaw ang nasa isip ko? Naalala ko pa kanina ng mapadaan ang tingin ko sa maamo mong mukha, alam ko nalungkot ka ng hindi kita lapitan. Gusto talaga sana kitang lapitan ngunit hinila na ako ng mga barkada ko. Nakita ko rin ang hinanakit sa mga mata mo, winalang bahala ko na lamang iyon.

Natalo namin ang isang lalaki sa dota. Nagalit siguro kaya sinuntok ang isa naming barkada. Nagalit din siyempre ang barkada ko kaya sinuntok niya rin. Pinagtulungan na namin ang lalaki na ‘yun sabay takbo.

Ngunit niresbakan kami ng kanyang grupo. Syempre uso ang mga gang gang pag nasa hayskul ka. Suntukan kami, bale lima sila lima rin kami. Nung nawalan ako ng balanse dahil sa sipa sa akin ay napahiga ako sa lupa. Hindi ko napansin na may dala palang itak yung isang bata.

Mabilis ang pangyayari at hindi ko na namalayan. Napapikit pala ako, at ng buksan ko na ang aking mga mata ay nakita kitang nakatihaya na. May dugo ang kaliwang dibdib. Tumakbo agad ang mga kalaban namin. Ang naging reaksyon ko lang ay tingnan ka, at napailing. Unti-unting umagos ang luha sa aking mga mata. Hindi makapaniwala sa sinapit mong iyon.

Nakita ko nalang na nakapikit ka na, wala ng buhay. Sinong makakapagsabi na maging ganoon ang sitwasyon?

Kung sana umuwi nalang ako pagkatapos ng klase. Di sana hindi pa ito nangyari sa’yo. Ngunit hindi ko na maibabalik ang panahong iyon, wala kana. Kailan man ay hindi na kita makikita pa.

Doon ko napatunayan na mahal mo talaga ako. E ako? ito nakaupo lang habang hawak kita sa mga bisig ko. Sadya nga naman na sa huli ang pagsisisi. Di mo hawak ang buhay ng bawat nilalang sa mundo. Bakit kailangan ikaw pa, kung sana ako na lang iyon.

Nakatayo ako ngayon sa libingan mo, maga ang mata sa kaiiyak. Wala na akong kasama, wala na akong ka buddy.

Wala ng maghahatid at magsusundo sa akin sa eskwelahan. Wala ng magbabantay at magseselos sa akin pag may mga babaeng aaligid sa akin. Wala kana, wala na ang PARALUMAN sa buhay ko.

At nasabi ko na lamang sa isipan ko, Paalam aking Paraluman.. Paalam kaibigang aso.

Advertisements

Si Paraluman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s